Chapter XXIV

247 8 0
                                    

Chapter XXIV

"Ready?" Nakangiting sabi agad ni Ryan pagkalabas niya ng bahay. Nandoon ito para sunduin siya at ihatid sa Indigo Records.

Tinotoo nga ni Ryan na kausapin si Cyron tungkol dun sa pagpapabalik sa kanya bilang secretarya nito. Nagulat nalang siya ng tawagan siya ni Cyron at sinabing pinapabalik na siya sa trabaho niya. Ikinatuwa niya yun syempre. Hindi na siya mahihirapan na maghanap pa ng trabaho. Siya ang inaasahan ng pamilya niya. Ayaw niya naman na tumanggap ng kahit anong pinansiyal  na tulong kay Ryan dahil baka kung ano pa ang sabihin ng pamilya nito sa kanya.

Tumango siya. "Yes. Ready na." Sagot niya.

Naglahad ito ng kamay na tinanggap niya naman.

"Oh anak goodluck sa pagbabalik mo sa trabaho. Ryan hijo mag iingat kayo." Bilin ng mama niya.

Sinulyapan ito ni Ryan. "Opo Tita. Iingatan ko po si Jan-Jan." Nakangiting sabi nito.

Nagpaalam na sila at sumakay na sa sasakyan nito at umalis na. Masaya lang silang nagkukwentuhan ni Ryan sa byahe hanggang sa nakarating na sila sa Indigo Records. Hindi na niya pinababa si Ryan kahit na gusto nitong ipagbukas siya ng pinto.

"Wag na. Kaya ko naman na. Diretso ka na sa hospital." Aniya.

Ngumuso ito. "Sige na nga. Text ka maya ah. Susunduin kita."

Tumango siya. "Oo na po. Sige na. Madami pa ko aayusin sa opisina ng magaling mong kaibigan."

Natawa ito. "Okay lang sakin kahit tarayan mo ang isang yun. Basta pag may ginawa sayo ang mokong na yun sabihin mo lang okay?"

Natawa na din siya. "Baka suntukin ko pa siya kahit boss ko siya eh. Sige na. Kanina pa tayo nagpapaalaman eh."

"Mas gusto ko kasing kasama kita palagi. Gaya nung dati." At ngumuso pa ito.

Hinaplos niya ang pisngi nito. "Iba pa kasi ang sitwasyon noon. Iba na din ngayon. Bye na. See you later." Paalam niya saka binigyan ito ng mabilis na halik sa labi. Pero bago pa siya makalayo ay hinatak na ni Ryan ang kamay niya kaya muli siyang napalapit dito.

"Kulang pa." He said huskily.

Bago pa niya mapagtanto kung ano ang ibig sabihin nito ay mabilis na nitong sinakop ang labi niya at hinalikan siya ng mariin. Lumalim na yun at gumaganti na siya ng tumigil na ito. Kapwa sila humihingal ng maghiwalay.

"You can go now. Baka mamaya di na kita palabasin pa dito at dalhin nalang kita sa condo ko." He smirked.

Nag init ang pisngi niya sa sinabi nito. "Ewan ko sayo Ryan. Aalis na ko. Bye." Binuksan ko na ang pinto.

Humalakhak ito. "Bye. I love you Janelle."

Lumabas na ako at nginitian na ito. "I love you too Ryan." Saka niya sinara ng tuluyan ang pinto.

Hinintay niyang makaalis na ito saka siya pumasok sa loob. Nakasalubong niya ang ilang empleyado doon na kakilala na niya mula noon at binabati siya ng mga ito na ginagantihan niya din naman ng bati.

Pagdating niya sa taas ay pumuwesto na siya sa cubicle niya sa labas lang ng opisina ni Cyron at nilapag ang mga gamit niya. Pero bagi magsimula doon ay kailangan niya munang pumasok sa loob ng opisina nito dahil ang sabi ni Ryan ay sobrang gulo daw doon. Alam niyang naroon na ang lalaki dahil lagi naman maaga yun doon. Kumatok muna siya sa pinto bago pumasok. Naroon na nga si Cyron at nakatungo ito sa kung anong binabasa nito. Nag angat ito ng tingin ng maramdaman ang pagpasok niya.

"Good morning Sir." Bati niya.

Napakunot noo pa ito bago sumagot. "Morning. What do you want? May problema ba?"

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon