Chapter II

340 10 0
                                    

Chapter II

Kanina pa si Janelle nakatambay sa labas ng opisina ng lalaki. Hindi naman siya pwedeng basta basta nalang pumasok kasi kabastusan iyon. Kaya naghintay nalang siya sa labas.

"Ang cool palang maging ganito. Hindi ako nakakaramdam ng pagod." Pagkausap ni Janelle sa sarili.

"Hindi din pala. Wala akong makausap eh. May mga multo kaya akong makita dito? Di ba dapat kami ang magkakitaan? Pero hanggang ngayon wala pa din namang lumalapit sakin. Hanubayan!" Reklamo pa nito.

Nakatayo lang siya doon habang naghihintay. Ayaw naman niyang umalis at baka pagbalik niya ay hindi na niya makita ang lalaki.

Maya maya ay nakita niyang lumabas ang lalaki at medyo nagulat pa ito ng makita siya. Nginitian niya ito.

"I thought you are gone." He stated.

"Ang sama mo naman. Hinintay talaga kita kasi ikaw pa lang ang nakakakita sakin. Ang boring ng walang kausap." Sabi niya dito.

Nagsimulang maglakad ang lalaki kaya sinundan niya ito.

"They said there are a lot of ghost in a hospital, haven't you seen any one of them?" Tanong pa nito.

"Hmm.. Ewan ko. Hindi ko naman alam kung multo ba ang isang tao o hindi eh."

"Tss.. What's your name anyway?"

"Im Janelle dela Rosa. Ikaw anong pangalan mo?"

"Ryan Montenegro." Simpleng sagot nito.

Napasinghap siya. Kilala niya iyon. Isa ang mga Montenegro sa mga pinakamayaman sa pilipinas. They owned the Montenegro Hospitals and Montenegro Pharmaciuticals. And this Ryan, he's also the rumored boyfriend of Elise Sandoval. Yung sikat na artista known for being a kontrabida queen.

"Oh my gosh! Ikaw yung boyfriend ni Elise Sandoval!" Tili niya.

Ngumiwi ito. "Can you tone down your voice?"

"Ha? Eh, ikaw lang naman ang nakakarinig sakin eh!"

Hindi na ito sumagot nagpatuloy ito sa paglalakad. "Teka, saan ka ba pupunta? Sama ko ha?"

Bigla itong huminto at nilingon siya. "What? Im going home and you can't come with me."

Napaismid siya. 'What happen to this man? Biglang naging spokening dollar! Tss.'

Mataman pa din itong nakatingin sa kanya na para bang naghihintay talaga ng sasabihin niya.

"Isama mo na ako please? Behave naman ako eh. Tsaka im a good girl. Sige na please? Sabi ko na kasi sayo wala akong ibang makausap kaya sasama muna ako sayo. Pretty please?" Pakikiusap niya dito.

Ayaw niya kasing manatili sa tabi ng katawan niya at tumunganga doon. Nakakaawa kasing tingnan ang sarili niya sa ganoong kalagayan. At gaya nga ng sabi niya, itong lalaki lang na ito ang nakakakita na nakakusap niya kaya sasama siya dito.

Bumuntong hininga ito. "Okay fine." Labas sa ilong na sabi nito. Saka ito muling naglakad palayo.

Sumunod din siya dito. Pero habang naglalakad ay iniisip niya kung paano siya sasama dito kung sasakay ito. Nung dinala kasi yung katawan niya sa ospital kanina ay tinakbo niya yun. At nakakapagtaka dahil naabutan niya iyon eh ang bilis ng takbo noon. Hindi kasi siya makaupo kasi nga tagusan siya eh.

Nang makarating ito sa kotse nito ay sumakay agad ito pagkatapos patunugin yun. Nakatunganga pa siya ng lingunin siya nito.

"What are you waiting for? I thought you'll come with me?" He said impatiently.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon