Chapter XXVII

254 5 0
                                    

Chapter XXVII

Naging maayos naman ang lahat sa pagitan nila ni Ryan. Lalo na ng tanggap naman siya ng pamilya nito. Maayos din naman siya sa trabaho niya. Hindi niya alam kung magfiancee na ba sila ni Ryan o ano. Hindi pa naman kasi ito nagpopropose kahit na sinabi nito sa harap ng mga magulang nito na gusto siya nitong pakasalan. Pero kahit ganun pa man ay okay lang sa kanya. Masaya siya sa kung anong meron sila at ang mahalaga ay nagmamahalan sila.

Hindi naman masasabing perpekto ang relasyon nila. Oo mabait na boyfriend si Ryan. Malambing din. Pero gaya ng iba, there were times that they we're not in good terms. May pagkapikon kasi si Ryan na minsan ay nagiging dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan pero sinisiguro naman nito na hindi natatapos ang araw na hindi sila nagkakaayos. Pinapahalagahan nito ang relasyon nila. Palagi nitong sinasabi na hindi nito kaya kapag nawala siya sa piling nito.

Ngayon ay aalis na naman sila. Puro nalang alis ang ginagawa nila. Hehe.. Sa isang ball daw sila pupunta. Birthday daw yun ng isa sa mga kaibigan ng Daddy nito. Kailangan daw kasama siya para maipakilala na din daw siya sa mundo nito. Medyo kakaiba ang kinikilos nito ng araw na yun pero hindi nalang niya pinupuna.

Nasa bahay pa siya at nakabihis na. Isang royal blue na spaghetti strap dress ang suot niya na tinernuhan niya ng silver na high heels. Pormal yun kaya kailangan niyang magsuot nun. Hinihintay niya si Ryan. Alas sais pa lang naman at alas otso pa daw magsisimula ang ball.

Nang makarinig ng busina ay alam na niyang si Ryan na yun. Pinagbuksan ito ng kapatid niyang si Joshua. Maya maya lang ay nasa loob na ang mga ito. Nag ngitian pa ang dalawa bago pumasok sa kwarto ang kapatid. Kanina niya pa din napapansin na kakaiba ang kinikilos ng pamilya niya na hinahayaan niya nalang.

Napatingin siya kay Ryan. Napangiti siya ng pagmasdang mabuti ang ayos nito itim ang suit nito at ang necktie ay kulay royal blue din. Nabanggit nga pala nito na yun daw ang theme ng party na yun.

"Gwapo natin ah." Pagbibiro niya na totoo naman. Gwapo naman kasi talaga ito.

He smirked. "Syempre, maganda ang baby ko eh."

Natawa na siya. "Bolero ka ah. Tara na nga. Paalam na tayo kay Mama."

Tinawag niya ang ina na lumabas saglit. May kakaiba talaga dito. Dati kapag may date o lakad sila ni Ryan ay lagi itong nag babantay sa kanila bago umalis. Ngayon ay parang wala lang na nagkukulong ang mga ito sa silid.

Lumabas saglit ito saka sila nagpaalam. Todo ang ngiti ng Mama niya ng magpaalam sila. Lumabas na sila ni Ryan ng bahay at umalis na.

Habang nasa sasakyan sila ay saka na niya sinabi kay Ryan ang mga napapansin niya.

"Parang may kakaiba sa araw na to. Hindi ko lang alam kong ano. Kanina sa office may mga sinasabi si Cyron na hindi ko maintindihan. Tapos sina Mama at yung mga kapatid ko parang may tinatago. Tapos ikaw parang medyo kakaiba ka." Sumbong niya dito.

He chuckled. "Ikaw talaga. Feeling mo lang yun. Ano ka ba, walang kakaiba samin. Ikaw nga ang kakaiba eh." Anito at sinulyapan siya saglit bago ibinalik ang paningin sa kalsada.

Napakunot noo naman siya sa sinabi nito. "Ako? Ano namang kakaiba sakin?" Tanong niya.

Ngumisi ito. "Parang lalo kang gumaganda."

Nag init ang pisngi niya sa sinabi nito. Lumabi siya. "Hay naku Ryan. Ewan ko sayo."

Humalakhak ito. Kung ano ano na lang ang pinagkwentuhan nila hanggang sa makarating na sila sa pagdadausan ng ball. Isa iyon sa chain of hotels ng State Diamond Hotel and Resort. Ang alam niya pag aari yun ng pamilya ng kaibigan ni Ryan na si Chase Evans. Hindi niya pa personal na nakikilala ang mga ito pero nasa magazine din naman kasi ang mga kaibigan ni Ryan kabilang ito. Nasa category ng hottest bachelor ang mga ito.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon