Chapter IX

242 10 0
                                    

Chapter IX


Pagkatapos niyang magpaalam kay Ryan at mangako ay agad na siyang lumabas. Actually ay wala naman siyang gagawin sa labas. Gusto niya lang munang lumayo kay Ryan, dahil feeling niya ay di siya mapakali kapag kasama niya ito at yun ang hindi niya maintindihan.

Nagpasya siyang magtungo na lang sana sa kwarto niya sa hospital na yun para na rin makita ang ina niya pero hindi natuloy dahil may pakiramdam siyang may nakasunod sa kanya. Kinakabahan na lumingon siya. Muntik na siyang mapasigaw sa gulat ng makita niya ang isang lalaki na nakangiti sa kanya. Sure siya na nakikita siya nito.

"Nakikita mo ko?" Paniniguradong tanong niya sa lalaki ng makabawi na siya sa gulat na nadama niya kanina.

Nakangiting tumango ang lalaki. "Of course, nakikita kita." Sagot ng lalaki.

Nagliwanag ang mukha niya. "Really? So ano ka? Psychic? May third eye lang o baka multo ka?" Tuloy tuloy niyang tanong dala ng excitement niya na meron ng ibang nakakakita sa kanya.

Umiling ang lalaki. "None of the above." Nakangiti pa din ito.

Napakunot noo siya. "None of the above? So ano ka?" Tanong niya. Maya maya ay napasinghap siya. "So you mean ikaw si Scheduler? Totoong may Scheduler? Anong kailangan mo? Ihahatid mo na ba ako sa elevator? Time ko na? O kailangan ko munang magkalap ng pure love tears?" Sunod sunod na naging tanong niya sa lalaki na tila naweweirduhan sa mga sinasabi niya.

"Wait lang Janelle, isa isang tanong lang okay?" Natatawang sabi ng lalaki.

Napatango siya, medyo nakaramdam ng hiya dahil hindi niya muna inalam ang pangalan nito. And speaking of pangalan, paano nito nalaman ang pangalan niya?

"How did you know my name? Do you know me?" Nagtatakang tanong niya.

He smiled. "Of course Janelle, i know you, i know everything about you." Makahulugang sabi nito.

Napa "oh" siya. "So sino ka nga? Ikaw ba si Scheduler?"

He chuckled. "Who's Scheduler? And by the way, you can call me Eriol."

"Eriol? Wow ganda ng name mo. Hindi mo kilala si Scheduler? So hindi ka si Scheduler. Napanood ko yun sa 49days na palabas eh. Siya yung taga sundo at tagahatid sa elevator. Wait kala ko ba kilala mo ko?" Muling pagratsada ng bibig niya.

"Yes i know you, every detail of your life, pero hindi kasama doon ang detalye ng mga pinapanood, pinapakinggan o kung ano pang ibang bagay na ginagawa mo. May limits ika nga." Paliwanag ni Eriol.

"Oh.. So, ano ka?"

"Im your Guardian Angel." Simpleng sagot ng lalaki.

Nanlaki ang mata niya. "Guardian Angel kita? Really? Eh nasaan ang pakpak mo?" Tanong niya na inikot ikutan pa ang lalaki at sinipat sipat ito.

Natawa si Eriol sa ginawa niya. "Di naman kasi totoo yung pinapaniwala sa inyo sa lupa. Hindi basehan ang pakpak para masabing anghel o hindi kami."

"Oh-kay.. Sabi mo Guardian Angel kita, lahat ba ng tao meron nun?" Usisa niya.

Wala silang pakialam kahit na nasa gitna sila ng hallway at nadadaanan ng mga tao. Wala naman nakakakita sa kanila.

Tumango ito. "Oo, lahat ng nilalang ay may Tagabantay na anghel."

"Ano ba Role niyo? Tsaka bat ngayon ka lang nagpakita sakin?"

"By the title itself, ang role namin ay ang bantayan kayo. Tsaka ngayon mo lang ako nakita dahil ngayon mo pa lang lubusang natanggap ang nangyari sayo." Paliwanag nito.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon