Chapter XXI

223 6 0
                                    

Chapter XXI

Di niya malaman kung ano ang isusuot. Niyaya siya ni Ryan na magdidinner daw sila. Malamang sa sosyal na kainan siya dadalhin nito. Wala pa naman siyang mga dresses. Ang meron lang siya ay mga semi-formal dress gaya ng isinusuot niya sa pagtatrabaho dati.

Napatingin siya sa orasan sa sala nila. Alas singko na. Alas siyete daw siya susunduin ni Ryan doon. Dalawang oras nalang pero heto siya at nakatunganga pa din doon. Napasimangot siya.

"Oh Jan-Jan anak, akala ko ba may lakad kayo ni Ryan? Bakit nakatunganga ka dyan? Hindi ba tuloy?" Nagtatakang tanong nga niya. Galing ito sa likod bahay at naglalaba.

Bumalik sa paglalabada ang mama niya para daw may pambaon sa eskwela ang mga kapatid niya. Binigyan naman sila ng pera ni Ryan bilang danyos umano sa pagkakasagasa ng kapatid nito sa kanya. Ayaw pa nga niyang tanggapin nung una dahil tingin niya, kalabisan na yun, pero Ryan insisted kaya wala na nagawa. Ayaw niyang maging pabigat sa pamilya kaya sa susunod na araw ay maghahanap na siya ulit ng trabaho.

Tiningnan niya ang mama niya. "May iniisip lang Ma. Magbibihis narin ako maya maya. Maaga pa naman." Aniya.

Kanina pa naman kasi siya nakaligo at yun nga ng makitang wala siyang mapipili ay nagbihis nalang siya ng pambahay at saka tumunganga sa sala nila. Hindi naman siya dating ganito. Sanay naman siya sa mga dati na niyang kasuotan. Pero iba kasi ngayon. Niyayaya siya ng isang Ryan Montenegro sa isang dinner date.

"Ganun ba. Bilisan mo baka mas maaga dumating yun si Ryan at abutan kang ganyan."

"Opo Ma." Tanging sagot niya at pumasok sa silid ito.

Di pa din siya natitinag sa kinauupuan. Parang may mangyayari kung uupo lang siya doon. Bumuntong hininga siya saka tumayo. Saktong papasok na sana siya sa kwarto ng dumating ang kapatid niya na si Joshua. May dala dala itong paper bag.

"Buti nakauwi ka na. Nagmeryenda ka ba? May ginatan sa mesa, kain ka." Sabi niya pagkatapos niyang ibeso ito. Malapit kasi silang magkakapatid sa isa't isa.

"Hindi pa Ate. Magbibihis muna ako. Siyanga pala Ate. Nakasabay ko kanina papunta dito ang sasakyan ni Kuya Ryan. Akala ko siya nga eh kasi tinawag ko pa pero driver lang pala nila yun. Tinanong kung kilala daw ba kita at sinabi kong kapatid kita at heto may ipinapabigay sayo." Anito at ibinagay ang isang paper bag na hawak hawak nito.

Kinuha niya yun. "Sige salamat Josh. Magbihis ka na ng makakain ka na. Bat wala pa si Seph?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang bunso nila na si Joseph.

"Nagpaalam yun sa akin Ate, may tatapusin lang daw na project. Nasa computer shop lang siya dyan sa may unahan." Sagot nito.

Tumango siya. Nagpatuloy ito sa paglalakad patungo sa kwarto nito para magbihis. Pero bago ito makapasok ay siyang paglabas ng mama nila sa kwarto nito nakita ni Joshua at nagmano ito saka pumasok na ng tuluyan sa kwarto nito at ni Joseph.

Maliit lang kasi ang bahay nila na may dalawang kwarto lang. Sa isang kwarto ay sina Joshua at Joseph ang umuukopa at sa isa ay silang dalawa ng mama niya.

Nagpaalam ang mama niya na pupunta sa palengke at may bibilhin lang daw. Kaya pala ito pumasok kanina ay para magbihis. Saka pa lang niya naalala ang paper bag. May card yun sa labas kaya kinuha niya yun para basahin.

Janelle, this was yours. Alam kong magagalit ka pero sayo kasi ito at gusto kong nagagamit mo. Gusto sana kitang bilhan ng damit para sa date natin pero alam kong magagalit ka kaya yan nalang. :)

- Ryan.

Lumabi siya. Bahagyang kinikilig dahil sa mga salita nito. Inusisa niya ang laman ng paper bag. Medyo malaking paper bag yun kaya ng kunin niya ang nasa loob ay medyo madami yun. Mga damit ang nakita niya na mga pamilyar sa kanya at may isang pares ng sandalyas. May nakita siyang nakapagpakunot ng noo niya. Kinuha niya yun at nanlaki ang mata at uminit ang pisngi niya ng makitang underwears yun. Binalik niya yun sa loob agad dahil baka makita ng kapatid niya.

Damn Ryan. Bakit may underwears dun? Biglang may sumagi sa isip niya na isang eksena. Ano yun? Totoo ba yun? Napailing siya. Kailangan na niyang magmadali dahil alas singko y medya na.

Pumasok na siya sa kwarto at inilabas ang mga damit sa paperbag. Itinago niya agad ang mga underwears sa lagayan niya ng damit at baka makita pa ng mama niya na galing ito sa paperbag na pinapabigay ni Ryan sakin.

Nang ganap na makita ang damit ay may isang nakakuha ng atensyon niya. Isang sleeveless pink dress na above the knee lang yata ang haba. Yun ang isinuot niya. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Bagay sa kanya ang damit. Napangiti siya. Kinuha niya ang puting sandals at isinuot. Parang nakita niya na na sinuot na niya ang mga yun. Pero sabi nga ni Ryan ay sakin daw yun dati kaya malamang nasuot niya na yun. Nag apply siya ng konting make up pero light lang tsaka nag suklay ng buhok. Nang masatisfy sa hitsura niya ay lumabas na siya.

Naabutan niyang nasa sala na ang kapatid niyang si Joseph. Bihis na ito. Hindi niya namalayan na natagalan pala siya sa pagbibihis ng mapansin na alas sais y medya na ng mapatingin siya sa orasan nila. Napailing siya. Dati mabilis lang kung magbihis siya kapag may lakad, ngayon isang oras na ang nagugol niya. Tinabihan nalang niya ang kapatid saka pa lang ito nag angat ng tingin dahil busy ito sa pagbabasa sa isang notebook.

"Ate! Ikaw pala!" Gulat na turan nito. "Ang ganda mo naman ate." Puri pa nito.

Natawa siya sa reaksyon nito. "Ikaw talaga. May lakad kami ni Ryan mamaya eh. Si kuya Josh mo?"

"Sa kwarto po. Nagrereview."

"Mabuti yan. Mag aral ng mabuti huh. Wag loloko loko. Di bale sa susunod na araw maghahanap na ulit ako ng trabaho." Aniya.

"Mag iingat ka na Ate huh?" Nag aalalang sabi nito.

Ngumiti siya. "Oo naman."

Nahinto sila sa pag uusap ng may bumusinang kotse sa labas. Napatayo siya dahil alam niyang si Ryan na yun. Tumayo din si Joseph at siya na ang lumabas para pagbuksan at papasukin ito.

Medyo kinakabahan siya na di niya alam kung bakit. Napaigtad siya ng may tumawag sa kanyang malamig na boses. Agad siyang napalingon. Muntik ng malaglag ang panga niya sa gwapong nilalang na tumambad sa harapan niya. Nakablue polo shirt ito, itim na slacks at sapatos. Simple lang naman yun pero yung aurang nakapalibot sa kanya sumisigaw ng kagwapuhan.

"Ngayon talagang may makakakita na sa kagandahan mo. Mas lalo kang gumanda ngayon Janelle." Nakangiting turan nito na nakapagpabalik sa kanya mula sa pagkakatulala. Uminit ang pisngi niya at nahiya sa inasta.

"S-sorry. And salamat. I-ikaw rin. A-ang g-gwapo mo ngayon. Sobra." Shit. Bat nasabi niya yun. Nakakahiya. Mas lalo lang nag init ang pisngi niya. She heard him chuckled. Nag angat siya ng tingin.

"Ikaw talaga. Your really amazing. By the way, shall we go now?" Anito.

Tumango siya. "Sure."

Nagpaalam na siya sa kapatid at binilinan ito dahil wala pa ang mama nila saka siya naunang lumabas. Napansin niya na naman ang mga usiserang mga kapitbahay nila at pinagtitinginan sila. Binalewala nalang niya yun. Pinatunog agad ni Ryan ang sasakyan nito ng makalapit sila doon. Inalalayan siya nito sa pagsakay sa front seat nito. Medyo nagulat pa siya dahil para siyang kinuryente ng madaiti ang palad nito sa siko niya. Nang makapasok na siya sa loob ay saka yun sinara ni Ryan at umikot para ito naman ang makasakay sa driver's seat. Pagkasakay nito ay saka pa lamang yun umandar.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon