Chapter XXIX
Pagkatapos ng birthday ni Ryan ay naging abala na siya. After kasi ng musical na pagpopropose nito ay kinausap sila ng pamilya niya ng pamilya nila Ryan. Gusto ng Daddy nito na within this year ang maging kasal nila. Anito'y hindi na daw bata si Ryan at gusto na daw nitong magkaapo agad. Medyo napressure siya sa sinabi nito. Idagdag pang puro tukso ang inaabot niya kay Ryan.
Panay bulong ito habang kinakausap sila. Nasa garden sila nun at nag uusap ng masinsinan ang dalawang kampo kung kelan ang magandang petsa ng kasal. Ang mama niya lang ang nandun dahil may project sa school na inaasikaso ang mga kapatid niya. Rest day niya kaya yun ang tinakda niyang araw para makipag usap sa pamilya nila Ryan sa bahay ng mga ito.
"Pwede naman iadvance natin ang paghohoneymoon at pag gawa ng baby." Yun ang ibinulong ng loko sa kanya.
Nag init ang pisngi niya kaya kinurot niya sa tagiliran ito. Natatawang umaray ito ng mahina sabay huli sa kamay niyang nangurot dito.
"Sige na babe, excited na sila Daddy magka apo eh. Unahin na natin yun." Patuloy pa nito.
Tiningnan niya na ito ng masama. "Magtigil ka Ryan. Isusumbong kita kay Mama." Banta niya.
Sinulyapan nito ang mama niya at bumalik sa kanya at ngumisi. "Okay lang din kaya si Mama na magkaapo na."
Nanggigil na siya sa inis kaya napahiyaw na siya. "Tumigil ka na nga!"
Natigilan ito at napasulyap sa paligid. Napatingin din siya at napansing naagaw niya ang atensyon ng lahat. Nahihiyang nag iwas siya ng tingin at napayuko.
"Sorry po. Si Ryan po kasi ang kulit." Hingi niya ng paumanhin.
Nagkatinginan ang mga ito at nagkatawanan. Natawa nalang din siya at kinurot si Ryan na tatawa tawa din.
Halos ang mga magulang na nila ang nagdedecide para sa kasal nila. Ang mga ito na rin ang nagdecide ng petsa at araw ng kasal. Ayos lang naman yun sa kanila ni Ryan dahil hinihingi pa rin naman ng mga ito ang approval nila. Kung ayaw ba o gusto nila, nirerespeto naman ng mga magulang yun.
Ngayon ay naglalakad sila sa isang mall. Hapon na yun at maaga siyang umalis sa opisina. May bibilhin daw si Ryan at isinama siya. Sa labas nalang din daw sila magdidinner.
Nasa loob ng isang boutique si Ryan at may tumitingin tingin habang siya ay nanatili sa labas dahil ayaw niyang malula sa mga presyo ng bilihin sa naturang tindahan.
Inabala niya ang sarili niya sa paglalaro sa cellphone niya. Medyo matagal tagal na siyang nakatayo doon pero di pa lumalabas si Ryan. Maya maya ay naramdaman niyang may bumangga sa kanya ng malakas dahilan para mahulog ang cellphone niyang mumurahin lang naman. Mas inuna niyang pulutin ang cellphone kaysa tingnan ang bumangga sa kanya. Baka kasi may makaapak nun dahil napunta yun sa may daanan ng tao. Buti at hindi naman yun nagkawatak watak.
Umakma na siyang pupulutin ang cellphone ng bago niya mahawakan ito ay may pambabaeng paa na nakasuot ng heels ang umapak dun ng pagkalakas lakas na halatang sinadya. Nakaramdam siya ng inis at galit sa kung sino mang walang magawa sa buhay ang gumawa nun sa kawawang bagay. Tumayo siya ng maayos at nag angat ng tingin. Doon ay nakita niya ang nagbabaga at matatalim na tingin ni Elise Sandoval.
Nakilala niya pa rin ito sa kabila ng disguise nito na nakasuot ng malaking aviators at nakapaloob ang mahabang buhok nito sa isang sumbrero na kulay pink na halos tumakip na sa noo nito. Simple lang ang suot nito na naka pink blouse at naka puting mini skirt saka kulay pink na stilletos. May hawak itong kulay pink din na bag. Nawala ang galit niya at muntik matawa dito. Ayaw niyang mapansin ng mga tao pero kapansin pansin naman ito sa suot nito. Napailing siya.
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
General Fiction[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...