Chapter 7

361 15 7
                                    

"I should go." paalam ni Kuya Cyen nang harapin niya ako.

Tapos na ang orientation kaya't naisipan kong ayain siya kumain. Unfortunately, he's unavailable.

"Where to, Kuya?" I ask, habang nagtitipa ng mensahe para sa mga kaibigan.

"Dolcelatte. I have a meeting there." 

I looked up at him and nodded. 

Kuya Cyen tapped my shoulder twice then left the Little Theater without looking back.

Sakto naman ang pag-reply ni Dos kung nasaan sila nina Amet at Hami ngayon.

"Oh, ayan na si Tinderist!"

Rinig kong sigaw ni Hami nang matanaw ko silang nakaupo sa arcade.

Matapos kasing pagusapan ang gagawin sa talent portion ay pinaalis na kami at sa susunod nalang ulit magkikita.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na si Yuan pala ang partner ko. Akala ko naman kung sinong Kendrick, siya lang pala.

"Ang tagal naman ng meeting niyo." sabi ni Amethyst nang makaupo ako.

"Yeah. Ang daming pinagusapan eh." I said.

"Oh? Wala ka bang chika diyan? May pogi ba na candidate?"

Masiglang tanong ni Hami at napangisi si Dos tila natatawa.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Kontrabida ka talaga sa lovelife ko!" asik ni Hami.

"Luh, laki talaga ng galit mo. Wala nga akong sinasabi dito." baling sa kaniya ni Dos.

"Partner ko pala si Yuan sa talent portion." I mindlessly mentioned.

Tila natahimik ang grupo at lahat sila'y bumaling sa akin. Ang mga itsura ay mapanuri.

"Weh? Eh diba magkaiba kayo ng course? Pano nangyaring ganon?" tanong ni Amet.

"Pinabunot mga babaeng candidates tapos siya ang nabunot ko."

"Paktay ka dzai! Alburoto na naman si Karen, sure yan!" natatawang sabi ni Hami.

Napangiwi nalang ako. "Bakit, ano ba sila? It's not like he's her boyfriend, right?"

"Single si Yuan." tumatango-tangong sagot ni Dos.

"Ayun naman pala eh. Besides, partners lang naman. Nothing more, nothing less." sagot ko.

Tahimik parin ang tatlo. It looked as if they were having a conversation kahit hindi sila nag-sasalita.

Tumikhim ako. Amethyst looked at me.

"Ilang linggo ang practice?" tanong muli ni Amet.

"One month."

Biglang tumawa ng malakas si Hamina kaya nilingon namin siya.

"Nothing more, nothing less ka pa! Pustahan! Isa sainyo mahuhulog." tumatawa pa rin niyang sabi.

"Ako? Mahuhulog? Baka siya." I laughed.

Falling in love with someone in a month? Is that even possible? You must be kidding! That won't happen.

Ano naman ang mangyayare sa isang buwan? Practice lang naman.

"Di mo sure Marren, hindi mo sure." nakangising dagdag niya.

"Puchang pustahan 'yan, Hamina! Namumulubi na nga ako, maawa naman kayo sa wallet ko!" reklamo ni Dos.

"G. 1K! Pusta ko si Marren unang mahuhulog." natatawa na ring sabi ni Amet.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon