Chapter 41

255 6 1
                                    

"Ano ba! Ba't mo ba ko hinila dito?" inis kong sabi kay Jasper.

Kakarating ko lang sa office ng MonteDigitas para maghatid ng layout samples ngunit agad niya akong hinila at dinala sa photocopy room.

"We should date." seryoso niyang sabi.

I looked at him with horror.

"Pinagsasabi mo? Anong date date? Ayoko!" singhal ko sa kaniya.

"No, like fake date." iling niya.

I let out a sigh and placed the clearbooks on the table beside me.

"Ano bang pinanggagalingan nito?" tinaasan ko siya ng kilay.

I crossed my arms as I waited for his answer.

Jasper paced back and forth as he played his lower lip. Tila ba nagiisip kung sasabihin ba sa akin ang nais o hindi.

"Just spit it out." irritable kong sabi.

Kailangan kong dalhin ang layout samples sa office ni Jasper bago pumatak ang alas sinko. Dahil kung hindi, lagot ako kay Tita Jasmine.

Hindi parin nagsasalita si Jasper. 

He glanced at me briefly. Nagpatuloy siya sa pagiisip.

"Kung ako sayo, pirmahan mo na muna 'to. Ayokong mapahamak." ani ko.

Kinuha ko ang papel na nakalagay sa unang page ng unang clearbook. Ibinigay ko iyon sa kaniya kasama ang ballpen.

Agad iyong pinirmahan ni Jasper.

"Aren't you supposed to review those before signing?" turo ko sa patong patong na clearbooks sa mesa.

He shrugged as he passed me the receiving document. 

"Okay na 'yan." aniya.

Ngumuso ako nang iyon ang sinagot niya. 

Bahala siya kapag may changes 'yun, hindi ko kasalanan.

Maingat ko itinabi ang papel na siyang ibibigay ko kay Tita Jasmine pagbalik ko sa WMI.

"Oh, ano nga?" pangungulit ko.

"I need a favor, Walter." banggit ni Jasper nang mahinto siya sa paglalakad.

I pursed my lips.

"What do you want, Montemayor?" 

"I need you to be my girlfriend."

My eyes widened as he said it. Bigla akong sinamid nang sabihin niya iyon.

Girlfriend? Ni hindi ko nga siya gusto!

"Wala akong oras sa joke time, ah. Babalik na 'ko sa office." sabi ko sabay kuha ng clearbooks at umamba nang lalabas sa photocopy room.

Jasper immediately took a step and blocked my way.

"Just please listen." he pleads.

Ngumiwi ako at tumango. Kung ano man ang sasabihin niya, sigurado na 'kong wala akong balak sumangayon.

Sumandal ako sa photocopy machine at hinintay siyang magsalita.

"It's my mom... and yours." panimula niya.

"They won't stop getting on my tail. Gusto nilang maging girlfriend kita. Hindi sila matahimik hangga't hindi nagiging tayo." 

I scoffed. Old news na 'yan. 

Naging malapit kami ni Jasper nitong mga nagdaang taon dahil sa pagpupumilit ni Mommy at Tita Cher na lumabas kaming dalawa. 

It started out with simple lunch or dinner dates, red carpet events, hanggang sa naging lantaran na ang pangbubugaw ng aming mga nanay.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon