Prologue

1.5K 30 17
                                    

"Holy shit."

Napapitglag ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. I'm very certain I've seen this face before. Hindi lang ako sigurado kung saan.

"Ano problema mo?"

I took a peek at Dos from my peripheral. Patuloy parin ang paglalakad namin tungo sa classroom. The familiar guy is still standing by the door.

My phone suddenly buzzed in my pocket.

Saglit kong tinignan si Dos pabalik. I shook my head. Wala na siyang naging reaksyon pa kaya kinuha ko na ang phone ko at binasa ang mensahe.

What class are you in today?

When I saw who it was from, I immediately stopped walking. That's it! Now I remember, he's the guy from Tinder!

"Feliyah Marren!"

Napalingon ako sa boses na dumagundong sa buong hallway. Nakita kong tumatakbo papalapit sa akin ang kabigan naming si Hamina.

"Shuta, napagod ako! Ang taas ng fourth floor!" hinihingal-hingal pang reklamo niya.

"Grabe 'yang bunganga mo, Hami. May nagka-klase na sa ibang room, huy!" puna ni Dos sa kaniya.

Hamina took a few seconds to catch her breath. Her books were close to her chest as she hugged them. Sabay ang pag-angat baba ng mga ito sa kaniyang pag-hinga.

"Kung ayaw mong nagbubunganga, mag-pagawa na kasi kayo ng elevator dito sa building natin!"

Nag palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa, may halong gulat at pag-tataka mula sa bilis ng pangyayari.

"Feliyah?"

Napalingon ako sa kung sino mang tumawag ng pangalan ko. Nasa harapan ko na pala siya, hindi ko parin matandaan kung ano ang pangalan niya.

"Ah! Yes, yes. I'm sorry, you are?"

"I'm Josh, from Tinder. Remember?"

I heard Hami snicker from behind. She must be enjoying that I'm in this situation right now.

"Josh naman pala, Marren." hindi niya na napigilang matawa nang tuluyan.

"Yeah Josh, nice meeting you. This is my friend Hami and uh..."

Tinignan ko si Dos at sinenyas ko sa kaniya ang code.

"And my boyfriend, Dos."

Base sa mukha ni Josh ay mukhang naintindihan niya na ang pinupunto ko.

"Nice to meet you all." he smiled. "I guess I'll see you around then."

I nodded. Mabuti nalang at madali siyang kausap, ayoko pa naman sa mga clingy.

"Bye, Josh! See you around!" sigaw ni Hami at muli akong tinignan. "Pang-ilan na naman iyan hmm?"

Inirapan ko nalang siya dire-diretso na akong pumasok sa classroom.

Bumungad sa amin ang nakakunot-noong si Amethyst.

"Kahit kailan ang tatagal niyong pumasok. Kanina pa ako nandito." reklamo niya.

"Amet, alam mo naman itong kaibigan natin masyadong maraming boy toys." muling tawa ni Hamina.

"Hey, Feliyah!"

Sumigaw ang isang lalaking papalapit sa amin kaya agad akong napalingon. Isa rin ito sa nakausap ko kasabay ni Josh!

Siya iyong clingy na ayaw ko kaya agad kong tinapos ang usapan namin. Ano bang meron sa araw na ito at nagsisilabasan ang mga nakakausap ko?

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon