Chapter 50

435 9 8
                                    

Note: All medical information stated in this chapter are purely fictional and not to be taken as accurate and legitimate source of information.

- - - 

A year and few months later...

It's June 10.

"Okay, it's Auntie Kat's turn!" Katarina said in a sing-song voice as she extended her arms.

Yuna extended her tiny arms towards her. Natawa kami pareho ni Katarina nang gawin iyon ng aking anak.

Maureen Yuna, our daughter just turned one last week. Ngayon, nandito muli sa aming bahay ang buong pamilya dahil birthday ng kaniyang Daddy at Auntie Kat.

When Kat got her, dinala niya ito sa may playground.

"So, kailan masusundan?" Biro ni Amet nang maupo ako pwesto nila.

Yuan gave me a glass of wine. Kasama rin namin ngayon sa table si Kuya Cyen, Hamina, at Dos.

"Ba't kami, si Dos muna. Yuna just turned one." Natatawang sabi ng aking asawa.

"Habol-habol din." Gatong ni Kuya Cyen.

"Where's Hyson?" Tanong ni Dos.

Natawa kami dahil iniba niya ang usapan.

"He's with his lolo and lola." Sagot naman ni Amet.

"Ikaw nalang ang walang anak, akala ko ba sabay-sabay silang lalaki?" Ngiti ko sa kaibigan.

"Yuna is one, Hyson is one, sa inyo nalang ni Kat ang kulang." Dagdag ni Yuan. 

Napalagok si Dos ng wine.

I still find it amazing that my friends are the parents of my daughter's first cousins.

"Ilan ba tayong magkakaibigan? Matapos ang love life ko, anak naman ang pinupuna niyo sa akin? Ayan si Hamina." turo niya.

"Aba, bakit ako? Ako ang natatanging rich Tita na mang-spoil sa mga anak niyo." sagot ni Hami.

"Marami na silang Tita at willing din mang-spoil. Go get yourself pregnant." sagot ni Amet.

"More Tita, more money. Win-win situation para sa mga anak niyo." Pagrarason pa ni Hamina.

Sa aming apat, sineryoso niya ang hindi magkaroon ng boyfriend o asawa yet alone ang mag-anak. 

Throughout the years, she focused on her career. Hamina is a rising real estate agent here and abroad. Madalas siyang palipad-lipad dito sa Pilipinas, Dubai, at Singapore.

"Promise you'll bring her to visit as soon as you guys come back?" 

Natawa ako sa pangungulit ni Mommy. Hinagkan niya si Yuna sa pisngi bago ibinalik sa akin.

"Yes, we'll visit Mommy La when we come home from the beach, right Yuna?" Ani ko.

Natawa ang aking anak kaya't natuwa naman si Mommy.

"Don't miss her too much, Mommy. We'll see you soon." Ngiti ko sa kaniya.

"Bye-bye Daddy Lo!" Iwinagayway ko ang kamay ni Yuna habang nagpapaalam sa aking mga magulang.

Nauna nang magpaalam sina Mommy dahil babalik na sila sa LA bukas ng hapon. As much as we'd want her to stay here, mas matututukan siya ng mga doctor kung naroon siya sa America.

Athena is coming home with them. Doon na niya ipagpapatuloy ang med school.

"We have to go too. Susunduin pa namin si Hyson." Paalam naman ni Kuya Cyen.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon