Chapter 25

293 14 7
                                    

"Sabaw ka ba? SWOT nga eh, edi TOWS yung kabaliktaran. Anong WOTS?"

Binato ko si Dos ng isang pirasong Nova. Binato niya ako ng Piattos pabalik.

"Bobo!" natatawa kong sigaw sa kaniya.

"Will you guys shut up? Ayusin mo nalang, Dos." naiinis na saway ni Amet sa amin.

"Ayan, para kasing mga bata." pailing-iling na dagdag ni Hamina.

"Ayan, gago sabat ka pa ah! HAHAHAHA!"

Tawang tawa kami ni Dos nang hampasin ni Amet si Hami ng libro.

"Isa ka pa, gawin mo na yung part mo! Kanina ka pa Facebook ng Facebook diyan. Hindi ka na babalikan 'nun!" iritableng sabi pa ni Amethyst.

Nandito kami ngayon sa Centennial Garden habang gumagawa ng paper para sa finals namin sa Digital Marketing. Dahil groupings, kaming apat ang naging magkakasama.

As usual, si Amethyst ang leader ng grupo. Siya kasi ang pinakamatalino at pinakamasipag sa aming apat. Maliban sa org, sinusubsob niya ang sarili niya sa pag-aaral. She's running for latin honors.

Kaya walang boyfriend eh.

"Check mo nga, Met." kamot-ulong tanong ni Dos habang iniabot ang laptop kay Amethyst.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng research summary para sa gagawin kong part ng plan namin. Natahimik din naman ang tatlo dahil naging abala sila sa parts nila.

"Edi sana all!"

Natigil ako sa pagbabasa nang biglang mag-ingay si Hamina.

Napalingon ako sa kaniya at doon nakitang nakatayo si Yuan sa harap ng table namin. May hawak siyang dalawang venti na Starbucks.

"Para sakin ba yan, tol? Thanks ah! Nag-abala ka pa." nakangiting sabi ni Dos.

Yuan let out a low chuckle. Hindi ko na sila pinansin at binalik ang atensyon sa pagbabasa.

Nakaramdam ako ng lamig na dumikit sa aking braso. Napatingin ako at napansing inilapit sa akin ang iced coffee na dala ni Yuan.

I glanced sideways and saw him beside me. Ang bilis nga naman ng isang 'to.

"Para sayo, Marren." he said.

I muttered a quick thanks and returned to my readings.

"Ba't naman mas malamig pa sa kape 'tong mga to? Tama na pabebe, Marren." singit pang muli ni Hamina.

I rolled my eyes as she said it. Hindi ko parin inilalayo ang mata ko sa aking binabasa.

Wala naman ako naiintindihan!

"Hey guys, bukas nalang ulit. May meeting kami ng Studios." biglang tayo ni Amet.

"Yun oh, tara kain!" sabi naman ni Dos. Sabay silang tumayo ni Hamina.

Sinara ko ang laptop ko at umambang aalis na din.

"Ops! I need that today, Marren. Tapusin mo na please." ngiti ni Amet.

Nagkatinginan ang tatlo at halatang halata ang pag-uusap gamit ang mga mata.

"Oh, kailangan daw matapos. Kaya mo yan, Rren." tinapik ni Dos ang balikat ko.

"Sasamahan mo naman si Marren diba, Yuan? Kakain lang kami." bilin ni Hamina kay Yuan.

Tinignan ako ni Yuan sandali bago tumango kay Hamina.

Matapos non ay mas mabilis pa sa alas dos nawala ang mga kaibigan ko.

I sighed and sat back down. Binuhay ko nalang muli ang laptop.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon