Chapter 31

260 5 10
                                    

Nang makauwi, naisipan ko agad puntahan ang mga kapatid para maibigay ang pasalubong.

Mabuti nalang at maaga-agang nagyaya si Yuan umuwi dahil inabutan kami ng kaunting traffic. He still got me home before 6PM though.

"Athena..."

Kumatok ako ng dalawang beses at binuksan ang pinto ng kwarto ng aking kapatid.

I saw her lying on her bed with headphones on. Pumasok na ako dala-dala ang box ng tart at isinara ang pinto. Nilapitan ko siya at naupo sa paanan ng kaniyang kama.

Nilingon ako ni Athena at hinubad ang headphones. Naupo naman siya para magkaharap kami.

"You okay?" I asked my little sister.

Nagkibit-balikat siya. Malungkot akong ngumiti sa kaniya.

Kinuha ko sa plastic ang isang box ng Rowena's at pinakita sa kaniya. Agad nagningning ang mga mata ni Athena nang iabot ko sa kaniya ito.

"Galing kang Tagaytay Ate?" masaya niyang tanong.

I nodded at her. Binuksan niya ang box at kumuha ng isa.

"Nag-sindi ako ng kandila, Ate." she said as she took a bite of the tart.

I smiled at her. "Ako rin, mamaya."

"I miss her." Malungkot na sabi ni Athena.

As soon as Athena said that, I immediately pulled her to my chest.

"Me too."

Nang kumalas, pinunasan niya ang takas ng mga luha.

"Can I have a minute alone, Ate?"

Hinaplos ko ang kaniyang buhok at tumango. Tumayo na ako mula sa kama at kinuha ang plastic na dala ko.

"I'll go see if Kuya Cy is in his room."

Tumango si Athena at sinuot muli ang headphones. Tumalikod na ako at iniwan siyang mag-isa sa kwarto nila ni Amber.

Kumatok ako nang makalapit sa kwarto ni Kuya Cyen. Agad naman akong pinagbuksan. Tinaasan lang ako ng kilay nang sumungaw sa kaniyang pinto.

Ipinakita ko ang box ng Rowena's.

He stepped aside and opened the door wider for me to pass through.

Naupo ako sa kama niya at nahiga naman siya.

"Please tell me kayo na." napapagod na tanong ni Kuya Cyen.

He has his hands behind his head. Natawa ako doon kaya tumango ako at inabot sa kaniya ang pasalubong.

Umayos siya ng upo at isinandal ang sarili sa headboard. Binuksan niya ang box at kumuha ng isa.

I didn't bother getting a piece of tart from either of my siblings. Dahil ang isang box palang, kulang na sa kanila. 

Napangiti ako nang maalalang noong mga bata kami, madalas pinag-aawayan ang Rowena's.

"Mabuti naman." aniya. 

"Kelan pa? Nung pasko?"

Natawa ako ulit. "Oo."

"Sabi na eh." ngisi niya habang ngumunguya. "Iba yung pagka-good mood mo nung pauwi tayo."

I gave him a small smile.

"Kuya... can we talk?" maingat kong taong.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"I overheard you on —" agad niya akong pinutol.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon