Umakyat na ako sa kwarto at agad na naglinis. Nang matapos ay patuloy pa rin ang pagtext ko kay Yuan.
Sinubukan ko rin siyang tawagan ngunit hindi niya talaga sinasagot.
Please babe, answer me.
Napaupo ako sa sahig habang pinagmamasdan ang cellphone ko. Patuloy akong nagdadasal na okay lang si Yuan.
What if he got into an accident? Baka dahil sa galit niya hindi na siya nakapagdrive ng tama.
Lalo akong kinabahan sa aking naisip.
Nanghina lalo ang pakiramdam ko. Para akong paulit-ulit na sinasaksak. Hindi ko kayang hayaan na ganon nalang ang laman ng isip ni Yuan.
Siya lang ang mahal ko at baka hindi na iyon ang pinaniniwalaan niya dahil sa nakita.
Sumubok akong muli na tawagan siya. The phone kept ringing and Yuan still hasn't picked up.
Lumipas ang ilang minuto, wala pa rin talaga.
Sobrang bigat na ng pakiramdam ko. Halos hinahabol ko na ang hininga dahil sa mga nagbabadyang mga luha.
Hindi ko alam kung dahil ba nakainom ako kaya ganito nalang kalala ang nararamdaman ko o dahil ganun ko siya kamahal at hindi ko kayang nagkakaganito kaming dalawa.
I saw pain in Yuan's eyes a while ago.
Seeing him in pain is hurting me. I can't stand the thought of him suffering because of me.
Kailangan naming maayos 'to. Hindi ko kayang isipin na maiiwan ko siya dito ng ganito kaming dalawa.
Kailangan kong magpaliwanag.
Gusto kong magpaliwanag.
Hindi ako mapakali kakatext at tawag. Tinignan ko ang oras at lalong nanlumo nang malaman na alas dos na ng madaling araw.
Hindi pa rin sumasagot si Yuan. Hindi na 'ko makapag-isip ng tama.
Pinalis ko ang mga tumutulong luha nang may naisip na ideya.
I have to go see him.
Kumuha ako ng hoodie at maingat na lumabas ng aking kwarto. I gently closed the door so no one would hear me.
Pumunta ako sa garahe at binuksan ang key safe. Nandito ang mga duplicate ng susi ng mga sasakyan. Kinuha ko ang isang susi.
I removed the vehicle cover of the Montero.
Napatitig ako saglit sa sasakyan. Matagal-tagal na mula nang huling beses akong nagdrive gamit 'tong sasakyan na 'to.
The drivers and sometimes Kuya Cyen would use it para daw hindi masira. Pero ako? Tatlong taon ko nang hindi ginagalaw 'to.
I bit my lip as the events of the accident played in my head.
Umiling ako at nagpakawala ng hininga.
Mas importanteng makarating ako kay Yuan.
I can't leave this situation as it is.
Binuksan ko ang sasakyan at sumakay na. Binuhay ko ang makina.
Nang walang pagaalinlangan, nagdrive ako papunta sa bahay nila Yuan.
Just like that, after so many years, I'm driving to his place in order to see him.
Hindi ko na inisip ang takot dahil nangibabaw ang kagustuhan kong makausap si Yuan.
Paminsan-minsa'y pinapalis ko ang mga tumutulong luha.
BINABASA MO ANG
Swiped Memory (Sanoma University 1)
RomanceSwipe dito, swipe doon. That's what Feliyah Marren ever does when she's not occupied being a model at Walter Models Incorporated. As she tries her best to wipe away a mistake, Marren finds her match.