Chapter 5

350 15 17
                                    

"Ah, shit!"

Napabangon agad ako sa higaan ko nang makita ang notifications sa cellphone ko.

20 missed calls, 50 messages

Kuya Cyen: Marren, wag mo kalimutan dumaan kay mommy ngayong umaga.

Kuya Cyen: Nasaan ka na? Hinahanap ka na.

Kuya Cyen: Nagagalit na si mom, nasaan ka na ba?

Kuya Cyen: Importante ang project na to! Pumunta ka na dito!

Agad akong naligo at nag-ayos. Patakbo akong pumunta sa quarters nila para hanapin si Mang Liro.

"Mang Liro! Mang Liro andiyan ka po ba?" katok ko. 

"Oh Marren, wala diyan si Liro. Hinatid niya si Athena ngayon." bungad sa akin ni Ate Wendy.

"Ah, ganoon po ba? Sige po salamat." sagot ko.

Bumalik agad ako sa sala at sinubukan mag download ng Grab.

Bakit ba driver nalang palagi problema ko? Jusko naman! Kailangan pa namin mag hire ng drivers.

Pati si Kuya Cyen, wala.

Napatingin sa phone ko at 1% palang ang download.

Sa dinami-dami ng oras na babagal ang wifi ngayon pa talaga!

Napalingon ako sa orasan at nakitang tanghali na. Ilang oras na akong late sa meeting.

Wala akong choice kung hindi magdrive. 

Parang nagyelo ang mga paa ko. Hindi makagalaw sa kinakatayuan. 

Nag-vibrate muli ang phone ko at nakitang message iyon ni Kuya Cyen ngunit hindi ko na binasa.

Kailangan ko na umalis. Kaya ko to.

Kinuha ko ang car keys sa cabinet at muling tumakbo palabas.

Pasakay na ko sa kotse nang biglang dumating ang sasakyan ni Daddy at lumabas si Mommy.

"Mom." kabado kong tawag.

Kitang-kita ang galit sa mukha niya. Sumunod sa kaniya si Daddy at lumapit sa akin.

"Mommy, I'm sorry po. I was about to—"

Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil sa malakas na sampal na iginawad sa akin.

Napahawak ako sa pisngi ko at muling humarap sa kaniya.

"Wala ka nang ginawang tama!" sigaw niya.

"I—I'm sorry Mom." iyon nalang ang nasabi ko dahil ramdam ko nang gagaralgal ang aking boses.

"Hindi mo ba alam kung gaano kalaking proyekto iyon?! Wala ka na ngang kwenta bilang anak, pati sa pagiging empleyado palpak pa!" she's fuming mad.

Napayuko ako at nagpigil ng luha na nagbabadyang tumulo.

Napatingin ako kay Daddy ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin.

"Hindi ko pinupulot lang ang pera na ginagastos niyo para umasta ka ng ganito! Estupida!"

Tinulak niya ko tsaka siya naglakad papasok sa bahay.

Lalapitan ko sana si Daddy kaso inilingan niya lang ako tsaka sumunod kay Mommy sa loob.

Napabuntong-hininga nalang ako at pumasok sa kotse. Inumpog-umpog ko ang ulo ko sa manibela nang biglang tumawag si Kuya.

"Hello? Asan ka na? Umuwi na sila." tanong niyang may nag-aalala na tono.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon