"HOY! ANDITO NA KAMI!"
Nailayo ko sa aking tainga ang telepono nang bumungad ang sigaw ni Hamina.
Binaba ko ang tawag 'tsaka agad na lumabas ng bahay dala ang bag ko.
I sat shotgun and when everything was settled, Dos started driving.
"So, saan tayo pupunta?" tanong ni Amet.
I looked at Dos and asked. "Hindi mo sinabi?"
He shook his head.
"Sabi niya ikaw na raw magsasabi kung saan." Hami said.
"Tinatamad ako sumagot. Kaysa ako paulanan nila ng tanong, ikaw nalang." walang ganang sagot ni Dos na mukhang inaantok pa.
Ala siete palang ng umaga. Sinadya kong agahan namin ang alis kasi baka matraffic kami papunta sa bahay ni Yuan. Iniiwasan kong magsayang na naman ng oras.
Besides, sabi ni Yuan doon na kami kumain ng breakfast.
"Pupunta kela Yuan." I simply said.
"AYYYY! BAKIT MAY PAGPUNTA?" excited na tanong ni Hami.
"Taray naman, ikaw pa dumadayo." sabi naman ni Amet.
"Luh. Magpapatulong kasi kami para sa talent." sagot ko.
"Ha? Eh, diba one week nalang?" gulat na tanong ni Amet.
I nodded.
"Masyado raw simple ang talent namin. Yung iba, halos buwis-buhay." paliwanag ko.
"I just thought we can do everything. Baka pwedeng sayaw, kanta, tska acting? Maganda sana kung original yung script."
"Ahh, okay." sagot ng dalawang nasa backseat.
"Okay?" taka kong tanong. "Wala kayong violent reactions? Hindi kayo mang-aasar?"
"Nope. Okay." kalmadong sagot ni Hami.
"Yun parin ba kakantahin mo?" tanong ni Amet.
I nodded again.
Nagkasulyapan si Hamina at Amethyst.
"Damn. I thought aakyat na tayo ng pamamanhikan HAHAHA!" biglang asar ni Hami.
I rolled my eyes.
"Bakit nga ba Only Hope yung kakantahin mo? Hindi ba masyadong malumanay yun? It's too simple." ani Amet.
"Shhh! It's genius!" sipat ni Hami sabay ngisi.
"Hindi ko alam anong kabalastugan umiikot sa utak mo right now Hamina pero siguraduhin mong maipapanalo naming yung talent sa kung ano man naiisip mo." I warned.
Hamina sneaked a peek at Amethyst again.
Now both of them are smirking.
"Mapapanalo talaga." sabay tawa nila.
"Dos, hindi ka na mag-Waze?" tanong ko sa kaniya nang umayos ako ng upo.
"Alam ko saan."
Sinulyapan ko ang dalawa naming kaibigan sa rearview mirrow. Abala sila sa pagtipa ng kung ano sa kani-kanilang telepono.
Nang lumiko kami sa village nila Yuan, huminto kami sa guardhouse.
"Delyo, boss."
Tumango lang ang guard at binigyan si Dos ng visitor pass.
"Yung bahay nila —" Dos cut me off.
"I know the way, Marren. Chill ka lang. 'Di tayo maliligaw." he chuckled.
BINABASA MO ANG
Swiped Memory (Sanoma University 1)
Roman d'amourSwipe dito, swipe doon. That's what Feliyah Marren ever does when she's not occupied being a model at Walter Models Incorporated. As she tries her best to wipe away a mistake, Marren finds her match.