Chapter 37

235 4 4
                                    

Sumisilip na ang liwanag ng araw nang tumayo ako mula sa sidewalk.

Tinitigan ako ng isang babaeng lumabas mula sa katapat na bahay nila Yuan na siyang nag-tapos ng basura sa garbage bin.

She looked confused for a moment then afraid. Tumakbo siya pabalik sa loob ng bahay.

Sumakay na ako sa sasakyan at doon ko napagtanto bakit ganun na lamang ang reaksyon niya. My hair looks like a bird's nest.

My eyes are so puffy you can't even recognize them.

Binuhay ko ang makina at nagsimula nang magmaneho pauwi.

I feel numb.

Pakiramdam ko'y wala na ang kaluluwa ko sa aking katawan. It's as if I'm moving but not actually living.

My mind and body is on autopilot.

As for my heart, I left it on the cold, wet street.

Like the way he left me.

Nang makarating ako sa bahay, ihininto ko ang sasakyan sa driveway. Sinilip ko ang oras.

6:00 AM.

Ipinatong ko ang noo ko sa manibela at nagpakawala ng hininga.

'Tska ko palang naramdaman ang pagod. Ang pananakit ng kalamnan.

I sneezed.

Kumuha ako ng tissue sa glove compartment at pinunasan ang sarili. Great. Mukhang magkakasakit pa yata ako.

I kept myself in the car for another hour 'til I decided to go upstairs.

Paniguradong magigising na si Kuya Cyen kaya't kailangan ko nang makabalik.

I pulled myself together and got out of the car.

"Saan ka galing? Bakit ganiyan itsura mo? Nagdrive ka?!" sunod-sunod na tanong sa akin ni Kuya Cyen.

Nagulat ako nang makita siyang nakabihis at nakatayo sa may main door.

Nang mapansin ko ang pag-aalala sa mukha niya, akala ko wala na kong iluluha pa.

"K-kuya-"

I just started crying again.

Agad akong niyakap ni Kuya Cyen at pinasok sa bahay.

"Ano nangyari?" nag-aalala niya pa ring tanong.

I shook my head and cried more.

That's it. We're done.

Ang sakit pala bitawan ng pinakamamahal mo. Ang sakit na hindi mo siya mapaniwala kahit anong katotohanan ang sabihin mo.

But I guess this is my karma for all the bets we've done. All the games I've played. I deserve the pain.

Ilang minuto akong inalo ni Kuya Cyen at sinabing mag-ayos na ako dahil aalis na kami.

Wala sa sarili akong umakyat ng kwarto.

Pinunasan ko ang mga luhang naipon sa gilid ng aking mga mata. I sneezed again.

I wiped my nose with the back of my hand.

I sighed and went straight to the bathroom.

When I looked at the mirror, I'm much more of a mess than I was a few hours ago.

Napailing nalang ako at naligo na.

Hindi na 'ko nag-abala pang pumili ng susuotin at basta nalang kinuha ang una kong nakita.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon