Note: Trigger warning. Death. Read at your own risk.
- - -
Nang matapos kumain, inaya ko si Yuan mamili ng pasalubong. I bought boxes of blueberry cheesecake tart at Rowena's para ibigay kay Kuya Cyen at Athena. Favorite kasi nila yun pareho.
I guess it's something to lighten up their mood today. After all, hindi naman yata maganda tapusin ang unang araw ng taon na malungkot.
I'm a tad happier today. Dapat ang mga kapatid ko din.
"Babe, Starbucks!" masiglang turo ni Yuan nang papalapit ang sasakyan sa coffee shop.
I smiled.
"Gusto mo diyan nalang tayo?" he asked.
Tumango ako.
Kahit na papano, gumagaan na ang pakiramdam ko. Pero nang mabanggit ni Yuan 'yun, parang bumalik ang bigat dahil sa munting alaala.
He even suggested that we buy via drive thru at mag-park nalang sa parking area. Mukhang madami rin kasing tao sa al fresco area nila.
Iyon nga ang ginawa namin.
Yuan parked the car by the railings. Sabay kaming bumaba at tumayo sa harap ng sasakyan.
Nakasandal ang aming mga harapan sa railing habang nakatingin sa malayo.
"Malamig na nga dito, may yelo parin yung binili mo. Sugo ka ba ng impyerno kaya 'di ka nilalamig?" basag-katahimikan niyang tanong habang nakangisi.
Hinipan naman niya ang kape na order niya pagtapos.
Natawa lang ako.
"Ang kapal mo naman. Ikaw nga yung demonyo dito eh. 'Tska, hot kasi ako. Kaya ba't ako lalamigin?" sagot ko pabalik.
"Wow, hot." pabirong umirap si Yuan.
Natahimik kami pareho habang pinapakiramdaman ang paligid. Pati na rin ang presensya ng isa't isa.
"The last time I've been here, I was with Kat."
I looked at him. He gave me a small smile.
"But it didn't go well." he added. Lumigon siyang muli sa view.
"Why? Did something bad happen?" I asked.
Pakiramdam ko masyadong personal at masalimuot ang topic na 'to para sa kaniya kaya kinuha ko ang kamay niya at nilaro laro iyon habang nagpatuloy siya sa pagkwento.
"Nakipag-break si Katarina sa boyfriend niya that time. Sabi niya, the relationship is already toxic that's why she let him go."
"I can't blame her though, ang gago nung lalaki." dagdag niya.
"Kaya ayun, inaya ko siyang umalis."
I pursed my lips as a memory came back to me.
"Ate, tara. Let's get out of here." pabulong na sabi ni Amber nang pumasok siya sa kwarto ko.
Sinilip ko ang oras. Alas siyete palang ng umaga. Masakit pa ang ulo ko mula sa naging kaganapan kagabi.
"Aren't you tired? Anong oras na tayo natulog kanina." tanong ko sa kaniya kahit na bumangon ako upang mag-ayos.
"A little. But I know you wouldn't want to be here when Mommy wakes up. Tara na, it's the first day of the year. Labas tayo. Nag sabi na 'ko kay Kuya." pag-aya niya.
Bumalik ang aking pag-iisip kay Yuan nang higpitan niya ang kapit sa kamay ko.
"You alright?" he asked.
BINABASA MO ANG
Swiped Memory (Sanoma University 1)
RomanceSwipe dito, swipe doon. That's what Feliyah Marren ever does when she's not occupied being a model at Walter Models Incorporated. As she tries her best to wipe away a mistake, Marren finds her match.