Chapter 3

470 18 3
                                    

Nakakailang patay na 'ko sa cellphone ko pero patuloy pa rin sa pag ring.

Nakakairita na ah! Kitang natutulog eh, minsan na nga lang makatulog ang dami pang istorbo.

"Ano ba 'yon?!" sagot ko sa tawag.

"Nasaan ka na ba? Kanina pa kami tumatawag!"

"Sino ka ba? Istorbo ka sa tulog!"

"Tanga! Si Dos 'to, late ka na. Ano kala mo ngayon, Linggo?"

Agad akong napaupo at tinignan ang oras. Alas onse na pala ng umaga!

Binaba ko na ang tawag at agad nang kumilos.

Dali-dali kong pinagkukuha ang gamit ko. Tumakbo ako pababa sa hagdan habang nagsusuklay para hanapin si Mang Liro.

Si Mang Liro ang driver ni Athena. Sumasabay lang ako sa kanila tuwing umaga kapag hindi ako nadadaanan nila Dos.

"Ate Wendy! Si Mang Liro po nasaan?" nagmamadali kong tanong.

"May inihatid na papeles sa Mommy mo, bakit?" tumigil siya sa pagwawalis tsaka ako nilingon.

"Po?! Magpapahatid po sana ako. Mga ano oras po ba siya babalik?"

"Aba eh kakaalis lang, makapaghihintay ka ba?" aniya.

"Ay hindi na po, late na rin po kasi ako. Si Kuya po ba andiyan?"

"Oo, tignan mo sa kwarto."

"Sige po, salamat!"

Tumakbo na naman ako papunta na ngayon sa kwarto ni Kuya Cyen.

Kumatok lang ako ng dalawa tsaka ako pumasok. Tulog pa siya!

Ano ba? Gigisingin ko ba siya o wag na? Late na rin naman ako, hintayin ko nalang kaya si Mang Liro?

Ngunit napatingin ako sa cellphone ko na walang tigil sa pagtunog dahil sa sunod-sunod na text.

Dos: Dalian mo nagaattendance na.

Amet: Namumuro ka na sa attendance ni Sir Rey!

Dos: Maayos naman tayo nagusap kagabi, bakit ka tinanghali ng gising?

Amet: Saan ka na ba?

Wala akong choice kundi ang gisingin na si Kuya.

"Kuya! Kuya gising dali!" yugyog ko sa kaniya.

"Ano ba 'yon?" inis niyang tingin sa akin.

"Pahatid ako, late na ko! Wala si Mang Liro kaya ikaw nalang."

Napahilamukos siya sa mukha at muling nagtalukbong ng kumot.

"Andiyan yung susi ko, ikaw na magdrive." aniya.

"Eh! Kuya dali na, babawi nalang ako. Gusto mo sa'yo nalang ung tirang ice cream? Marami pa yon! Kuyaaaa!"

"Mag Grab ka nalang! Inaantok pa ko!"

"Matagal pa mag-download, bilis na!"

Hinatak ko yung kumot niya. Nakakunot na ang noo niya kaya nag peace sign ako.

"Sorry na, ngayon lang naman ako na-late."

"Pasalamat ka wala akong lakad ngayon. Tara na nga." aniya.

Pumunta na kami sa kotse niya at agad siyang nagmaneho.

"Sino ba prof niyo ngayon?" tanong niya.

"Si Mama Rey." sagot ko.

Kunot noo siyang bumaling sa akin tsaka ibinalik ang mata sa kalsada.

"Si Sir Reyes." paglilinaw ko.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon