"Lapag cellphone. Unang tumunog siya magbabayad!" Amet yelled.Agad nilang nilapag ang nga cellphone nila at nang hindi ko binigay ang akin, tinignan nila ako ng masama.
"Wait lang! Magsasabi lang."
I immediately messaged Yuan and told him not to text nor call me unless I do it first.
Chineck ni Amethyst ang mga cellphone namin para siguraduhing hindi naka-silent.
"Oh, kupal. Tignan mo 'to, kuripot talaga." she pointed at Dos.
"Nagsilent amp. Dahil diyan sagot mo first shot." nakangising sabi ni Hami.
It's been a while since my post-pageant life happened. Ngayon ko lang sila ulit nakasama ng hindi dahil sa mga school works.
I've been busy with school and WMI so much na kahit groupmates kami, madalang ko parin silang nakakasama. Hindi rin naman counted ang classes dahil hindi kami masyadong nakakapag-chikahan.
Nagtampo ang mga tanga.
"Leche kasi 'to si Marren. Puro landi, hmp." inis kunong sabi ni Hami.
"Minsan nga namimiss ko nalang yung 'code baby' namin." madramang sabi naman ni Dos.
"Aarte niyo. Pero by the way, same." sabat ni Amet.
"Naging busy lang! Pasensya na." I said.
"Busy lumandi! Oh, shot mo na!" Hamina yelled.
Lumakas ang tugtugan sa bar dahil lumalalim na ang gabi. Mas nagiging hyped ang mga tao.
The place is not that crowded though.
Nagpatuloy lang kami sa pag-inom at kung minsan ay may kwentuhan rin.
"Gago! Sino ba kasi 'yon, Amet?" Hami asked.
Medyo tipsy na kami. Mas malala nga lang si Hami kasi sinunod sunod ba naman yung shot.
"Kalmahan mo sa inom! Lumalaki bill natin!" angal ni Dos.
"Alam ko. Kampante akong hindi ako ang magbabayad dahil wala naman akong katext!" aniya.
"Sino ang alin?" tanong ko.
"Palagi ka kasing wala, huli ka na sa chika." sagot sa akin ni Hami.
"Ham! Bunganga mo. Pota naman, ako na naman taga-alaga!" asar na sabi ni Dos.
Amet and I just laughed. Namiss ko rin ang pagtatalo nitong dalawang 'to.
"So, ano nga yung sino?" tanong ko ulit.
"Iyang bespren mo may kalandian. Nakita namin text sa phone 'Hi, love! I'm going to Tagaytay later. What do you want as pasalubong?' sabi ba namang ganon!" tumatawang sabi ni Dos.
"Oh? Sino nag-text?" I curiously asked.
"Eto si Dos shunga, binasa yung text di man lang tinignan sino nagtext." sabat ni Hami.
"Hindi ko nakita! Kinuha agad ni Amet. Pero parang may 'E' sa pangalan." iiling-iling niyang sabi.
"Bobo. Sinabi na nga kasing wrong send lang 'yon ayaw niyo maniwala." tanggi naman ni Amet.
"Jusko, Dos. Andami-daming may 'E' sa pangalan. Sana man lang nilinawan mo mata mo!" biro ko.
"Ang daming pumupunta ng Tagaytay ngayon, ano ba meron 'don?" nagkibit-balikat lang sila.
Si Kuya Cy din kasi inutusan ni Mommy pumunta ng Tagaytay nung nakaraan. Hindi ko naman natanong kung bakit pero sana nag-uwi man lang siya ng buko pie.
BINABASA MO ANG
Swiped Memory (Sanoma University 1)
RomanceSwipe dito, swipe doon. That's what Feliyah Marren ever does when she's not occupied being a model at Walter Models Incorporated. As she tries her best to wipe away a mistake, Marren finds her match.