Chapter 4

398 19 12
                                    

"Mag drive thru nalang tayo!" sigaw ni Hamina na nasa backseat.

"Hindi tanga, dine in tayo kala mo ah." ngisi ni Dos habang pinagmamasdan siya sa rearview mirror.

8:00 PM palang at naisipan naming hindi na daluhan ang program ng general assembly. Halos paulit-ulit nalang din naman kasi ang program every year.

At dahil sa Xylo ito gaganapin, after party nalang talaga ang ipupunta namin.

Futuristic ang theme ng party kaya pinag halong Avant Garde at Tron ang mga outfit namin. Dos, Amethyst, and I mostly wore something silver, shiny, or leather.

Kaso itong si Hamina, all out sa kaniyang outfit.

She's wearing a holographic racer top at silver astronaut pants. She even paired it with knee-high boots na silver foil ang kulay.

"Oh, ba't ka nahihiya ngayon? Kala ko ba fLaUnT wHaT yOU hAve?" Dos mocked.

Wala kaming nagawa ni Amet kung hindi tumawa. Kanina pa kasi sila sa condo nagtatalo. 

Napag-usapan na kasi naming simple lang ang susuotin para makalipat pa ng bar in case hindi masaya ang ganap sa acquaintance party.

But of course when you have that 'extra' friend, asahan mong ikamamatay niya ang magsuot ng simple. 

"Parang tanga naman kasi 'tong si Dos ba't dito pa kasi?!" 

Padabog na isinara ni Hami ang car door. 

"Hinay-hinay lang, HAMINA!" sigaw ni Dos. 

Hinila ko ang braso niya at nag lakad na kami papasok ng fast food chain. 

"Ikaw naman, pikon na pikon kay Hami." mahinahon kong puna sa kaniya.

"Eh, kasi naman eh!" 

Piningot ko ang tenga niya at agad niyang kinagat ang kamao niya. 

"Umayos ka. You keep shouting, nakakahiya." bulong ko sa kaniya habang pinasadahan ng tingin ang labas ng restaurant.

"Tatahimik ka na ba o ngangawa pa?" tanong ko sa kaniya.

Dos shook his head slowly. Namumula na siya.

I instantly let go of his ear.

"Putangina, Marren." 

Hinimas-himas niya ang kaniyang tenga at maluha-luha na. I smirked.

"Tama na kasi sa pag-puna kay Hami. Alam naman nating ganiyan na talaga siya as a person." I rolled my eyes.

Sumimangot nalang si Dos at binuksan ang pinto.

I went inside first. Napalingon sa amin ang ibang mga nakapila sa cashier yet they went back to their business.

Nag lakad na ako papunta sa isang empty booth at naupo. Dos sat beside me habang si Amet at Hami naman ay nasa aming harapan.

"Ako na oorder." 

Tumayo si Dos at pinagmasdan kaming tatlo. 

Hamina has her elbows propped on the table habang nakapalumbaba. Nakasimangot parin siya.

"C3 sakin." sabi ni Amet at nag-abot ng pera kay Dos.

"Yun nalang din. Samahan mo ng ice cream." 

Dahan-dahang kinuha ni Dos ang pera na binigay ko. His eyes were squinting hard as if he's judging me.

I rolled my eyes at him at bumaling na kay Hami.

Ang tulalang si Hamina ay napatingin sa akin pabalik at bumaling rin kay Dos. 

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon