"If you keep looking at the time, hindi parin naman yan mapapabilis."
Padabog akong bumaling kay Yuan na siyang nahuli kong nagpipigil ng tawa.
"Sabi mo kasi malapit lang bahay niyo. We're already in freaking Makati stuck in traffic!!!"
Isang oras na ang ginugol namin dito sa Grab at parang hindi parin kami uumusad.
"Malapit nga lang... kapag naka-motor." patawa-tawa niyang sabi.
Kung pwede ko lang sapakin ang isang 'to, ginawa ko na!
I got so frustrated that I crossed my arms at padabog na isinandal ang ulo ko sa bintana.
I winced as soon as my head hit the window. Paniguradong rinig sa buong sasakyan ang paghampas ng ulo ko dito.
Hindi ako nag-salita. Hindi naman siguro nila pansin?
"Masakit?" Yuan snickers.
"Shut up, Yuan." I murmured angrily.
Lumiko ang Grab papasok sa village.
"Drop off lang 'ho." banggit ng driver sa security guard.
"Delyo kamo sir." turo ni Yuan kay manong driver.
"Uy, Ser Yuan! Kayo pala yan!" masiglang bati ng guard nang makita siyang dumungaw sa harap.
"Tol! Musta?" sabay ngiti ni Yuan.
"Okay lang 'ho! Wala 'ho yata kayong motor ngayon ah?" usisa ng guard.
Napatingin ako muli sa oras. Alas dose na. My eyes met Yuan's for a second after that.
"Oo, may bisita kasi."
Yuan's tone put an end to their small talk. Sumandal na siyang muli sa backrest ng car seat.
He sheepishly smiled at me.
"Sige boss, ID nalang. Si ser pala 'yang hatid niyo." baling naman ng guard sa driver.
Agad namang pinadaan ng guard ang Grab. Ilang minuto pa ang tinagal bago kami nakarating sa bahay ni Yuan.
Sabay kaming bumaba sa sasakyan at saktong bumukas ang gate.
"Good afternoon Sir Yuan at Ma'am!" bati ng isang maid.
"Good afternoon po." I smiled.
When we entered, doon ko napansin na mukhang modern glass house ang bahay nila unlike ours that was European inspired.
"Manananghalian ba muna kayo ni Ma'am, Sir?"
"Hala, hindi na po! Kumain na kami." pigil ko sa kaniya.
"May pagkain na ba, 'te? Gutom na ko." salungat na sagot naman ni Yuan.
Hinampas ko siya ng bahagya kaya nilingon niya 'ko.
"Breakfast pa yun." he rationalizes.
"Meron na nung request mo, sakto kasi namamalengke kami nung nag sabi ka. Nakahanda na sir!"
Yuan gave her a quick nod kaya naman umalis rin agad ito.
"It'll be quick. Masarap mag luto si Ate Meng." sinabayan niya ito ng puppy dog eyes.
"Para kang bata. Tara na nga, mabilis lang ah!" natatawa kong sabi.
"Yon. Akala ko pipilitin pa kita, gutom na ko sobra." umarte pa siya na parang namimilipit sa gutom.
"Ang arte, tara na." tulak ko sa kaniya.
"Sandali, akin na bag mo. Dadalhin ko na sa taas. Lakad ka lang diyan, dining agad yan." turo niya.
BINABASA MO ANG
Swiped Memory (Sanoma University 1)
RomanceSwipe dito, swipe doon. That's what Feliyah Marren ever does when she's not occupied being a model at Walter Models Incorporated. As she tries her best to wipe away a mistake, Marren finds her match.