Chapter 24

284 10 2
                                    

"Nabobobo na ko, manahimik ka muna, Hamina!" pagalit kong bulong habang ihinahampas ang aking noo sa mesa.

"Pero totoo naman, malandi kaaaa!" bulong niya pabalik.

Sabay sabay nagpipigil tumawa ang mga kaibigan ko.

"SHHH!" 

Sinilip ko ang library counter. Magkasalubong na ang kilay ng matandang librarian.

Tinapunan ko ng masamang tingin si Hamina. Mapanlokong ngisi ang ibinalik niya sa akin.

Inirapan ko nalang siya at ibinalik ang tingin ko sa printed notes.

An obligation is a juridical necessity to give, to do, or not to do.

Pinaulit-ulit ko ang binasa ang unang page. Walang pumapasok sa isip ko! Habang ito namang mga kasama ko, walang tigil sa pang-aasar.

"HiNdI aKo maHuHuLog sA kaNiYA." Hamina mocked more. 

Kakatapos ko lang kasing ikuwento sa kanila ang nangyari noong weekend — Ang sagutan namin ni Yuan sa fire exit noong araw ng photoshoot.

Kaso ngayon, ayaw parin nila akong tantanan. Kailangan ko na mag review para sa finals. 

Kung ibabagsak ko pa 'tong Oblicon, hindi ko ma-eenroll ang Law of Sales next sem. Hindi ako makakagraduate on time!

Napabuntong hininga ako nang matahimik ang tatlo.

Bigla akong sinipa sa ilalim ng mesa.

"Aray! Tangina m—" napasinghal ako kay Dos na katapat ko sa table. 

Agad natigil ang pagsusungit ko nang mapansing nakatayo si Yuan sa harapan ng table namin. 

He's smiling with amusement written on his face.

"Hi Yuan, napadaan ka. Gusto mo ba umupo dito?" 

Umambang tatayo na sana si Amet kaso hinila ko ang dulo ng buhok niya hanggang sa mapaupo siya.

Hilaw akong ngumiti nang makita ang tinatagong gulat ni Yuan. 

Tumikhim pa siya para mabawasan ang awkwardness. Nakatitig lang kasi kaming apat sa kaniya.

He placed his right hand in his pocket.

Doon ko napansing nakasuot lang siya ng plain black shirt at black jogger pants. Hawak niya ang Macbook sa isang kamay at suot ang digital watch. Simple lang. Pero bakit parang...

"Uh, Marren. Libre ka mamaya?" tanong niya habang kinamot ang tungki ng kaniyang ilong sabay tingin sa malayo.

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng samu't saring reaksyon ng mga kaibigan ko.

Hindi matigil ang pag-ubo ni Dos habang si Amet naman ay hindi malaman paano itatago ang ngiti niya.

At itong makapal kong kaibigan, sumagot na agad para sa akin.

Mahadera!

"Oo! Libre yan si Marren. Gusto mo ngayon na?" ngiti ni Hamina kay Yuan.

Bumaling naman siya agad kay Dos at Amet. "Tara na, may pupuntahan pa tayo diba?"

Nagkukumahog na inayos ng tatlo ang kanilang mga gamit. Tumayo na rin ako at ilalagay na sana ang notes sa bag nang punahin ako ni Amethyst.

"Saan ka pupunta? You're not coming with us." 

Sumimangot ako at tinignan naman si Dos. 

Wala rin ginawa ang isang 'to. Umiling lang na tila patay malisya. Traydor.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon