Chapter 15

306 14 16
                                    

Nagising ako nang marinig ko ang alarm mula sa aking cellphone. It's 4PM. In a few hours, magkakaroon ng dinner sa beach at after party para sa candidates.

Pinatay ko ang alarm at naupo. 

I heard the water from the shower running. Naliligo na si Avi.

Napatingin ako sa bintana at mataas pa ang araw. 

From where I was sitting, natatanaw ko ang bundok na punung-puno ng nagtatayugang mga puno. 

The room is quiet. Nay, the entire hotel probably is.

My body feels a little sore from all the activities we did today. Iilang games at challenges pa kasi ang ginawa namin pagkatapos kumain ng lunch kanina.

Sa tingin ko mabuti nang mag pa-schedule ng appointment sa spa bago umuwi.

When Avi got out of the shower, sakto naman ang pagtunog ng doorbell.

"Ako na." ani Avi.

Tumango nalang ako at sinilip ang cellphone.

Wala namang text or missed calls kaya chinarge ko na muna.

"Ang bagal mo naman! Akala ko nakaligo ka na." bungad ni Hamina.

"Ingay mo." I hissed.

Nakita ko na medyo nagulat si Avi dahil sa ingay ni Hami kaya naman naisipan kong ipakilala na sila sa isa't isa.

"Avi, si Hamina. Kaibigan ko. Ham, si Avianne, co-candidate ko and roommate." pagpapakilala ko sa kanila.

"Nice to meet you, Avianne! Nakakatulog ka ba ng maayos? Malakas pa naman humilik tong si Marren." tanong ni Hamina.

Napailing ako at natawa naman si Avi. Kahit kelan, mapagbiro ang isang to.

"Yeah, hindi naman siya maingay. Avi nalang." 

Nginitian ni Avi ang aking kaibigan at dumirecho na sa closet para mag bihis.

"Maligo ka na, Marren. Patagal amputa." 

Bumaling ako kay Hami na abala sa pag-lalabas ng gamit niya sa makeup trolley.

"Eto na, sungit amputa." patawa-tawa kong sagot at pumasok na sa bathroom para maligo.

When I got out of the shower, Hamina was done setting up her work station. 

May nakabukas na ring light at nakapila na ang iba't ibang makeup, brushes, at hair tools.

"Nuks, may pa ring light si madam." biro ko.

She winked at me. "Of course! Ako pa ba?"

Naupo ako sa vanity stool at sinimulan akong pahiran ni Hami ng toner.

"Mamaya yung hair mo, medyo i-wavy nalang natin tapos i-braid ko nalang yung side." 

Tumango ako at hinayaan siyang ayusin ang kilay ko.

Nang matapos si Hamina sa makeup, kinuha niya ang blower para patuyuin ang buhok ko. 

"Avi, 'wag na. Ako nalang mag-aayos sayo pagtapos ko kay Rren." 

Napatingin ako sa vanity mirror at nakitang nakalatag ang mga makeup ni Avi sa kaniyang kama.

"H-hala, okay lang ako nalang." nahihiya niyang sabi.

"Nako teh, wala ng hiya hiya! Ikaw next." pinal na sagot ni Hamina.

I found myself smiling at them.

Nang matapos si Hami sa akin, agad niya akong pinaalis sa upuan.

"Avi tara, ikaw naman." nagagalak na tawag niya.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon