Note: We do not condone drinking and driving. Drink safely and moderately. Drive only when you're sober.
- - -
"Huy! Ingatan mo ulo ni Hami baka mauntog!" sigaw ni Amet kay Dos nang isakay siya sa sasakyan.
Nakailang bote pa muna kami kanina bago tuluyang magkayayaang umuwi dahil inaantok na rin kami pare-pareho.
Lalo na si Dos dahil siya ang magddrive. Buti nalang high tolerance siya.
"Met, ikaw na magdrive. Napagod ako diyan sa lakwatserang dilag na 'yan." reklamo ni Dos.
"Eh? Ako nga mag-aalaga don sa likod! Gusto mong masukahan koste mo? Sige akin na, ako na magdrive." ngisi ni Amet.
"Luh, wag nalang!" bawi ni Dos sa susi at bumaling sa akin.
"Ikaw nalang. Ngayon lang." pagod niyang sabi. I frowned.
"Siraulo, si Marren pa talaga ah." batok ni Amet kay Dos.
Dos grunted. Ang pagod niyang mukha ay nakasimangot na ngayon. Napangiwi nalang ako.
"Sige na, kung gusto mong makauwi tayo pare-pareho nang buhay ikaw na magdrive. Kapag inantok ka na talaga, huminto muna tayo sa gilid." sabi ko.
Dahil wala na siyang magawa, napatitig nalang si Dos sa amin ng ilang segundo tsaka pumasok sa driver's seat. Kasunod niya ay ang pagpasok namin ni Amet sa loob.
Sinimulan niya nang paandarin ang sasakyan at nagpatugtog nalang kami ng upbeat para hindi makadagdag sa antok ni Dos.
Sa bawat lakad namin, si Dos ang driver. Minsan si Amet pero mas madalas siya.
Naging routine na namin iyon magmula noong pumasok kami ng college.
"Ayoko na uminom!" iyak ni Hami sa likod.
"Nakailang sabi ka na niyan." sagot ni Amet.
"Hindi! Ito sure na talaga!" aniya.
"Ayoko na mag-alaga sa'yo, mas gusto ko pa mag-alaga ng bata." utas ni Dos.
Napailing nalang ako sa kanila. Hindi na bago ang bangayan nitong dalawa.
Para kaming may kasamang aso at pusa eh.
Hindi rin nagtagal ay hinatid na namin si Hamina sa bahay nila at sunod si Amet.
"Ingat kayo ah, text agad pag nagkaproblema. Umuwi kayo nang buhay!" sigaw ni Amet tsaka isinara ang pinto ng sasakyan.
"Kaya pa?" baling ko kay Dos na nakapikit na.
"Patulog nalang sa inyo, andoon naman si Kuya Cyen diba?"
Tumango nalang ako at kinuha ang cellphone.
I messaged Kuya Cyen to inform him about Dos' request and he immediately replied.
Kuya Cyen: Sige, pauwi na rin ako. Dalian niyo, pauwi na rin mga oldies.
"Dalian daw natin umuwi." sabi ko at hindi na siya sumagot pa.
Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso na si Dos sa guest room sa tabi ng kwarto ni Kuya.
He's that tired? Sabagay, ikaw ba naman magdrive papunta at pauwi tapos nag-alaga ka pa ng napakaingay na Hamina.
Ang pagpasok ni Dos sa guest room ay siyang paglabas ni Kuya Cyen ng kaniyang kwarto.
"Asan na siya?"
"Guest room." I answered.
"Maglinis ka muna, amoy alak ka. Kakain na ng hapunan maya-maya. Si Dos ba hindi na kakain?"
BINABASA MO ANG
Swiped Memory (Sanoma University 1)
RomanceSwipe dito, swipe doon. That's what Feliyah Marren ever does when she's not occupied being a model at Walter Models Incorporated. As she tries her best to wipe away a mistake, Marren finds her match.