Chapter 19

252 11 1
                                    

"Candidate eight, dresser eight." turo ng student committee.

Tumango ako at iginiya ang sarili tungo sa assigned makeup artist. Marami-rami na ang nasa backstage. 

Mostly stylists and MUAs ang narito. Iilan palang sa candidates ang nakita ko.

"Hi dear, candidate eight?" 

Tumango ako at naupo sa makeup chair nang nilahad ito sa akin.

"Ang ganda naman ng alaga ko! Para kang manika. What's your name?" aniya.

"Marren." I answered with a smile.

"Nice to meet you, Marren. I'm Ryan." pakilala ng baklang artist. 

Ang bawat isa sa amin ay may naka-assign na stylist at makeup artist. In this case, si Ryan ang MUA ko.

"Partner mo ba yung lalaking eight? Ang gwapo sis!" kinikilig niyang bigkas habang sinusuklay ang buhok ko.

"Sa walk lang, pero sa talent hindi." 

Nilingon ko ang paligid ngunit hindi ko nakita si Lester. 

"Naku, wala dito. Kakain lang daw siya ng breakfast." ani Ryan.

Tumango ako at hinayaan siyang ayusin ang buhok ko.

Makalipas ang kalahating oras, dumating si Yuan at pumwesto sa kabilang station. 

Hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pakikipag-usap kay Karen.

"Nilagay ko sa bag mo yung necktie. Tapos yung wax nasa front pocket. Pag kailangan mo ko, text me. Nasa technical booth lang ako." 

After that, she planted a quick kiss on Yuan's cheek. He didn't bother to react dahil nakaalis na agad si Karen.

"Ang swerte mo naman sa girlfriend mo." kumento ng MUA ni Yuan. 

Pinagmasdan ko ang reaction niya. He didn't deny or anything. Instead, he opened his phone. 

I felt a hollow sinking feeling in my gut.

"Bet mo sis? Mas maganda ka dun." 

Napabaling ang mga mata ko sa vanity mirror sa aking harapan. Ryan was looking at me through them like he was pitiful.

I shook my head.

Ngumiti si Ryan at nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok ko. 

An hour later, natapos kaming ayusan ni Ryan. 

"Jusko dai, pak na pak ang aking mga alaga! Tayo kayo dun bilis, pipicturan ko kayo." tuwang-tuwa na pag-aaya ni Ryan.

Lester and I stood up and walked towards the plain backstage wall.

Tinulungan pa si Ryan ng ibang MUA at tinapatan kami ng iba't ibang ilaw. 

They took a few snaps and after that, we took a few with Ryan as well.

My hair was volumized and had small ringlets at the tips. Makeup was made simple because I'm wearing a silver iridescent gown.

It's fitted and sequined that has a v-neck and slit. 

Dahil magulo sa MUA area, lumabas ako ng backstage at naglakad-lakad sa hallway. 

Ang iilan sa mga kaibigan ko ay hindi pa tapos sa kanilang hair and makeup. Marami kasing props at kung ano-ano pa ang kailangang isuot para sa talent nila.

"Ready?" 

Napalingon ako at nadatnang kakalabas lang ni Yuan sa backstage door. 

He's wearing a black tux with a white dress shirt that's opened in the first three buttons. His hair is swept up and side parted.

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon