"Marren, shot muna!!!"
I took the shot glass and drank it.
Naglalaro lang kami kanina at hindi ko alam paano kami rumami dito. Tinignan ko ang paligid, andito na ang buong committee.
"You okay?" Yuan whispered.
I nodded.
Kinuha ko ang baso ng tubig na inilagay ni Yuan sa harapan ko. I took a sip.
"Ang boring niyo! Laro ulit tayo!" sigaw ni Hami.
"Kanina pa tayo nag lalaro." tumatawang sabi ni Rania.
"Truth or dare tayo. Ayaw niyo yon? Magkaspice man lang life niyo! Walang weak sa SU!" pagpilit ni Hami.
"Kapag ayaw sagutin ang truth, isang full shot. Kapag ayaw gawin ang dare, tatlong full shot. Deal?" dagdag ni Hami.
Dumating ang waiter at nagbaba ng dalawang bote ng vodka at pitcher ng cocktail.
We all agreed and started the game. Pinaikot nila ang bote at tinuro nito si Preet. Si Apple naman ang nasa kabilang side ng bottle kaya siya ang magtatanong.
"Preet! Truth or dare?" tanong ni Apple.
"Parang nakakatakot yung dare mo. Truth nalang!" Preet answered.
"Okay fine. Ilan na body count mo?" diretsong tanong ni Apple.
Naghiyawan ang karamihan dahil sa tanong.
"Kasama momol?" Paglinaw ni Preet.
Naghiyawan ulit ang lahat at natawa si Preet. Kunyaring pang nagbilang sa kamay niya.
"Hindi ko maalala, lima yata?" tumatawa niyang sagot.
Nakailang round ang laro at hindi parin ako natatawag.
Alas dose na at ang after party nalang ang bumubuhay sa beachfront. Sobrang dilim na. Tanging ang mga naka-set up na ilaw nalang ang nagbibigay liwanag.
Hindi ko na mabilang kung gaano na karami ang nainom ko.
I'm pretty sure I'm tipsy.
Naramdaman ko ang marahang pag-akbay kaya napatingin ako kay Yuan.
He's drinking beer habang pinapanuod si Myka gumawa ng dare.
Hindi siya lumingon pabalik.
Instead, he was lazily drawing circles on my shoulder with his thumb.
A chill went down my spine as he did it.
Muling inikot ang bote at tumapat naman ito kay Yuan at si Marian ang magtatanong.
Tinanggal ni Yuan ang pagkaka-akbay sa akin.
"Yuan! Truth or dare?"
"Dare!" nakangising sagot ni Yuan.
"Wala ako maisip! Dalawang full shot nalang!" sigaw ni Marian.
"Pwede ba 'yon?" umaangal na sabi ni Yuan.
Umagree ang lahat kaya wala siyang nagawa kundi gawin ang dare.
"Nilalasing niyo ba 'ko?" tanong niya.
"Walang aalis sa bilog na 'to nang hindi lasing noh!" sigaw ni Hami kaya nagtawanan ang lahat.
Puro light dares lang daw muna hanggang sa nagpatuloy ang game at nagiging challenging ang dare nila.
"Lester, truth or dare?" tanong ni Dos.
"Dare, bro."
"Halikan mo sa pisngi yung babaeng type mo. Yung andito lang sa circle."
BINABASA MO ANG
Swiped Memory (Sanoma University 1)
RomanceSwipe dito, swipe doon. That's what Feliyah Marren ever does when she's not occupied being a model at Walter Models Incorporated. As she tries her best to wipe away a mistake, Marren finds her match.