Note: Photos attached are for detail visualization only. This does not portray the characters per se.
- - -
Come on, close up!
Shit!
"Marren, do you need help in there?"
I sighed.
Hinawi ko ang curtain ng dressing area at naroon si Ryan nakatayo sa kabilang bahagi.
Tumango ako kaya pumasok siya sa cubicle.
"Anong problema?" tanong niya.
Tumalikod ako at ipinakita ang zipper ng gown na ayaw magsara.
Ito na ang last outfit namin, evening gown.
At ngayon namomroblema ako dahil hindi ko maisara ang zipper ng gown ko. I think I really gained weight.
Another reason why I could lose this pageant.
For the evening gown, we're all wearing red.
As for mine, A-line satin gown ito. Silk kaya magaan at spaghetti strap na may deep neckline. My favorite part about it is the side slit.
Advantage ito dahil maipapakita muli ang legs ko.
Habang nakatalikod, ramdam kong nagsstruggle din si Ryan sa zipper.
"Hinga ka ng malalim." aniya.
I did as I was told at sa isang malakas na hila, naisara ni Ryan ang zipper.
"Ayan, perfect!"
Nagpabuntong hininga ako dahil akala ko hindi na maayos ang gown ko.
Bumalik kami sa vanity station at binigyan niya ako ng dangling earrings na puro diamond at ruby.
I wore the earrings as he fixed my hair. Iniladlad niya ang buhok kong naka-bun kanina at sinimulang gamitan ng curling iron.
Kaunting retouch ang sumunod at ang pagpapalit ng lipstick. Red na ito ngayon.
"Girls, backstage na tayo please!" announce ni Addison sa makeup room.
Ibinaba ni Ryan ang makeup brush at nginitian ako.
"Good luck, kaya mo yan!" palakpak niya.
Hilaw akong ngumiti at tumayo na upang lumabas ng makeup room.
Simula nang makita ko ang reaction ni mommy, iba ang nararamdaman kong kaba ngayon.
Kung kanina'y naeenjoy ko pa ang fashion show, ngayon hindi na.
Magkakaroon ng question and answer portion para sa top three male and female candidates at iyon ang huling batayan ng pagkapanalo.
Mabanggit lang ang pangalan mo'y isang malaking kasiguraduhan na.
Kahit anong mangyari, naipangako sa na iyo ang isa sa mga trono at ang kalakip na premyo nito.
Abot tahip ang puso ko sa niyerbyos dahil wala na akong kasiguraduhan kung matatawag pa ba ang pangalan ko para sa top three.
I know my mother's reactions.
Hindi pa siya nagkakamali sa mga napipili niya. Hindi man siya judge ngayon, alam kong halos iisa lang ang taste nila pag dating sa mga models.
"Welcome back, candidates! We're now down to the final segment of the show." pagbati ng hosts nang lumabas na kami muli sa stage.
Naghiwalay ang babae't lalaking host upang puntahan ang candidates.
BINABASA MO ANG
Swiped Memory (Sanoma University 1)
RomanceSwipe dito, swipe doon. That's what Feliyah Marren ever does when she's not occupied being a model at Walter Models Incorporated. As she tries her best to wipe away a mistake, Marren finds her match.