Idinilat ko ang aking mga mata nang maramdaman kong may vibration sa ulunan ko.
I felt instant exhaustion as soon as my mind registered what happened hours prior.
Napabuntong-hininga ako.
My phone kept buzzing. Tamad kong kinuha iyon at sinagot.
"Good morning, love." Yuan chuckled.
"Good morning." I mumble as I closed my eyes once more.
Ramdam na ramdam ko ang bigat ng katawan ko at parang gusto nalang matulog habang buhay.
"Inaantok ka pa?" malambing niyang tanong.
"Mmm." I croak sabay hila sa duvet para magtalukbong.
Natawa siya ulit. Nagsalubong ang kilay ko. Nakapikit parin.
"Do you want me to come back later?"
"H-ha?" lito kong tanong. Hilong hilo parin ako sa pinaghalong pagod at antok.
"Andito na 'ko sa labas ng bahay niyo. Aalis tayo, remember?"
Agad akong napa-upo at kinusot ang mata ko.
Right, shit. Napag-usapan kagabi na pupunta kami ng Tagaytay.
"I forgot. I'm sorry. Kanina ka pa ba nag-iintay?" nag-aalala kong tanong.
"Half an hour. But it's okay, if you're too tired, bukas nalang." sinsero niyang sabi.
Bumangon ako at sinilip ang wall clock. Alas otso palang.
"No, wait. I'll be quick. Sorry." sabi ko at agad binuksan ang ilaw ng shower.
"It's okay, take your time."
Binaba ko na ang tawag at nagmadaling naligo. Halos mapatalon pa ako sa shower nang tumama ang malamig na tubig sa aking balat. Hindi ko na nabuksan ang heater.
Nang matapos, agad akong namili ng susuotin. I threw on a pair of gray jogger pants, a black sleeveless semi-crop top, and sneakers. Kumuha din ako ng jacket na babaunin.
Agad akong nag-make up. Just something simple ngunit dinamihan ko ang concealer para maitago ang pamumugto ng aking mga mata.
Dumiretso ako sa kabilang kwarto para makapag-paalam.
"Kuya..."
Kakatok na sana ako nang mapansin kong naka-awang ang pinto ng kaniyang kwarto. I was about to go in 'til I heard him talking on the phone.
"Paikot-ikot naman tayo eh. Why won't you trust me, baby?"
"I'll be back before you know it."
Aalis na sana ako ngunit napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang huli niyang sinabi.
"I'm tired, baby. I'm tired of being in this family. Kung maaari lang umuwi nalang ako sayo, gagawin ko. But you know I can't leave Marren and Athena."
Napalunok ako. My heart is being torn apart. Hindi lang pala nagsasalita si Kuya pero siya mismo, pagod na pagod na.
"Please don't be like this, Am—"
Nagkagulatan kami ni Kuya Cyen nang tuluyan akong nakapasok sa kwarto niya. Halos gusto ko nang lamunin ng lupa. Masyado akong napasandal at nalimutang bukas nga pala ang pinto.
"Kanina ka pa diyan?" gulat na tanong ni Kuya Cyen. Ibinaba niya ang telepono mula sa kaniyang tenga.
"I... uh... h-hindi kuya." taranta kong tanggi.
BINABASA MO ANG
Swiped Memory (Sanoma University 1)
RomanceSwipe dito, swipe doon. That's what Feliyah Marren ever does when she's not occupied being a model at Walter Models Incorporated. As she tries her best to wipe away a mistake, Marren finds her match.