Chapter 12

292 10 8
                                    

Isinara ni Dos ang trunk ng kaniyang sasakyan nang mailapag ang luggage ko.

"Thanks."

"We'll see you on the weekend." aniya, halata pa ang antok sa kaniyang boses.

I only nodded at him and took the luggage handle.

Naglakad na ako tungong gate ng Sanoma. When I looked back, naka-alis na ang sasakyan ni Dos.

Today's our departure to Batangas para sa unang activity naming candidates.

Vacation and team building.

It's only 5 AM. Ang call time naming candidates ay 5:30.

Nang makarating ako sa arcade, kakaunti palang ang naroon.

I was looking around nang may narinig akong sumigaw ng pangalan ko. 

"Feliyah!" 

It was Hannah. Kasama niya sila Preet at nakaupo sila sa bench dala ang kani-kaniyang luggage.

I waved and walked towards them. 

"Kanina pa kayo?" I asked.

"Kararating lang din namin."

Pinag-kwetuhan namin ang mga balak namin gawin pagkarating doon sa venue.

"Gusto ko mag swimming!" sabi ni Hannah.

"Ako, gusto ko kumain." sagot naman ni Preet.

"Magpicture muna 'tsaka tayo kumain o swimming." sabat ni Apple.

Napasarap ang kwentuhan at natigil lang nang tawagin na kami para sumakay sa bus.

Isa-isa nang nagsi-akyatan ang mga candidates. Pagka-akyat ko, nakita kong magkatabi si Hannah at Apple habang sa kabilang side naman sina Preet and Rania. 

Luminga-linga ako kung saan pa may bakanteng upuan.  I saw Rachel arranging her bags on the overhead compartment.

"Hey, Rachel. Is that seat taken?" 

She looked at me and nodded. "Yeah. Luis is with me, Ate."

"Oh. Okay, sure." 

I looked at the other side. Napansin kong halos lahat ay may katabi na rin. 

"We'll be leaving in a few minutes. Mag-CR na ang magc-CR." Darrel announced.

Naghanap ako ng bakanteng upuan at inilagay ko na ang luggage ko sa overhead compartment. 

Bumaba ako at pumunta na sa comfort room. 

Nang makabalik ako sa bus, nagulat ako nang mapansing may nakaupo na sa pwesto ko.

I made sure if I was on the right spot. 

Binuksan ko ang overhead compartment at naroon ang bag ko!

"Settle down already, we're about to leave."

Wala akong choice kundi ang maupo na. 

"Luh. Ba't ka andito?"

Yuan removed his airpods and lowered his sunglasses.

"Hmm?" he asked again.

"You're in my spot, I was here first." I argued.

"Oh talaga? Bakit nung dumating ako, wala ka naman." he argued back. 

"Pumunta akong restroom." 

"Sus, ikaw ha. Umamin ka na, crush mo talaga ako eh. Gusto mo lang ako makatabi. Okay lang, gusto ko rin naman." he smiled and pinched my cheek. 

"What?" 

Swiped Memory (Sanoma University 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon