IV - Glee

207 32 64
                                        

Carrie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Carrie

"You're acting strange again, Carrie."

I heaved another sigh and didn't respond to Chantal. I just rubbed my feet together while lying on my stomach on the bed.

"What's with you? Agang-aga parang wala ka nang gana agad. Bumangon ka na nga." I felt her foot kicking my bed slightly as I slumped my face to the soft pillow.

What she said was true. Wala akong gana. Pagkatapos kong makita ang bagay na 'yon, automatic na nasira ang araw ko.

Yehanna Chen ✓
6:32 AM

How evil could a girl's heart be? Grabe, imagine humiliating a boy in public, and what's worse, the boy was so devastated that he got into an accident and died. At si girl? Wala, nakatingin lang. Satan must be shaking, may papalit na sa kanya sa hell. Btw, good morning, Yehoneys! Enjoy the early tea. Mwah~

Like | Comment | Share

Sinusubukan kong alisin ang isip ko sa nangyari kay Ythan nitong nakaraan, pero Yehanna just had to make it harder for me. Idagdag pa ang negative at one-sided comments na nagkumpulan sa baba ng post na 'yon, naging masama na naman ang timpla ko at for some reasons, ayaw kong gumawa ng kahit ano. Napapikit na lang ako.

It just feels so shameless of me to be living normally, after that incident. Something about Yehanna's post is valid. I pushed Ythan to his death. Kung pinakiusapan ko lang sana siya nang maayos, hindi sana aabot sa ganoon.

Wala sanang mamamatay.

It's coming back... the very unsettling set of sensations led by my racing heartbeat. Bumuntonghininga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili.

"Is this why you're feeling so bad? Anong klaseng ka-bitchesahan na naman 'tong pino-post ni Yehanna?"

Napamulat ako at nakitang hawak ni Chantal ang phone ko. Aagawin ko pa sana pero hindi ko na itinuloy. After all, Chantal probably read all of it by now.

"Carrie... could this be pertaining to you and..." Naramdaman kong naupo si Chantal sa tabi ko. "Ythan? Nagkaaway ba kayo bago siya maaksidente?"

I bit my lip. My eyes reluctantly met with Chantal's as I turned my body to face her. She had that familiar worried face I always see when I go somewhere alone.

"Why didn't you tell me?"

Inilipat ko ang tingin ko sa mga hamster ko sa 'di kalayuan. Hindi nagtagal ay pumikit na lang ulit ako at sumubsob.

"Sorry. I know it's something that... you just can't tell anyone else. Kaya pala balisa ka nitong nakaraan, what you experienced was more than just shock. But... can you tell me what really happened? Alam kong ibang version na ng nangyari 'tong pinapakalat ng demonyitang 'to."

To All The Boys I've Killed BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon