II.II - Rendezvous

120 18 7
                                        

Third Person

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person

Tirik na tirik ang araw at lalo pang nakakapang-init ng pakiramdam ang mga taong labas-masok sa malaking pintuang salamin ng Kazmo, ang mall na tinatawag pang "heart of the town" ng mga residente. Maya't maya rin ang pagmamando ng traffic enforcer sa mga sasakyang dumidiretso sa parking lot ng gusali.

Kasama sa mga sasakyang ito ang isang puting Porsche na lulan ang dalawang dalagang sina Carrie at Chantal. Ang huli ang nagmamaneho at malinis itong nakaliko sa pakurbang kalsada ng mall papasok sa parking lot. Nang makarating sa loob ay agad din itong nakahanap ng bakanteng puwesto.

Sumingaw ang malamig na hangin mula sa loob ng kotse nang bumukas ang dalawang pinto nito at tumapak sa konkreto ang dalawang dalaga. Sinimulan na nilang maglakad patungo sa pinakamalapit na pintuan ng gusali.

Tahimik sa parteng iyon kaya maririnig nang malinaw ang pagtuktok ng sapatos nila sa sahig. Suot ni Chantal ang isang simpleng t-shirt na kulay lila at berde pati ang isang pares ng skinny jeans. Si Carrie naman ay nakaputing t-shirt na nakasuksok sa kanyang pantalon na may punit sa bandang tuhod. Dala nila ang kanya-kanyang cellphone at handbag. Pagkatapos pagbuksan ng security guard ay agad nang nakapasok ang dalawa.

Samantala, sa isang sulok naman ng paradahan ay isinabit na ng isang lalaki ang kanyang helmet sa manibela ng kanyang motor. Naglakad na rin siya papasok, bitbit ang isang itim na bag at ang mga mata'y nakatutok pa rin sa dalawang dalagang kanina niya pa sinusundan.

"Chantal, sinong tumawag sa 'yo kanina bago tayo umalis?" panimulang tanong ni Carrie sa kaibigang may hinahanap sa bag niya. Sabay sila ngayong naglalakad sa kalagitnaan ng malawak na ground floor ng mall.

"Elise." Ni hindi siya nilingon nito at patuloy sa ginagawa. Pansin niyang mariin ang pagkakatikom ni Chantal sa bibig nito.

"Okay, so your mother just called and?"

"Money. Sending money is the only nice thing she does for me, and I really wish na 'yon na lang ang ginawa niya buong buhay ko. Hindi 'yong pati pananahimik ko rito... "

Hinintay ni Carrie ang pagpapatuloy ng kasama pero tumikom na ulit ang bibig nito at inilabas ang kulay asul na credit card sa kanang kamay.

"What's wrong? Kulang ang ipinadala?"

"No. She just told me that..."

"That what?"

"He—Nevermind."

"Anong—Oh!"

Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang may makabanggang tao si Carrie na sa lakas ay halos mapatumba siya sa sahig, mabuti at nahawakan siya ni Chantal.

Isang lalaking may hanggang balikat na buhok, nakasuot ng pulang bandana, at nakaputing hoodie na kinapapalooban ng itim na t-shirt ang tumambad sa mga dalaga nang tapunan nila ng tingin ang nakabangga. Patuloy lang itong naglalakad habang nakapamulsa na parang walang nangyari.

To All The Boys I've Killed BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon