"A beauty to die for."
Stunning, smart, soft-hearted. Having all these qualities, Carrie even gets called an angel who descended from heaven.
Everyone loves her. Everyone adores her.
Little does Carrie know, someone has taken a different level of d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Third Person
"Where can we start searching?"
"Dito muna sa loob ng bahay. Kayo sa right wing, ako rito sa left." Bakas ang kaba sa boses ni Yulio. Tinanguan naman nila ang sinabi nito.
"Sasama ako sa 'yo," mabilis na pagpilit ni Chantal. "Just to make sure in case you miss any blind spots," dagdag ng dalaga, pero sa loob-loob ay gusto lamang nitong siguraduhin na hindi si Yulio ang may kagagawan ng mga pagkawala.
"I don't mind. Zion, you take those two, familiar naman na kayo sa first floor. May dalawang storage room sa may kitchen, here are the keys. Let's find those bad boys," may pinalidad na anunsyo ni Yulio at ihinagis ang dalawang kumakalansing na susi sa direktor. Bago maghiwalay ang lima ay sumulyap muna si Chantal kina Jasper at Carrie, tahimik na nagbibilin ng pag-iingat sa dalawa.
Pinasok ni Yulio ang breaker room na nasa gawi nila kasunod si Chantal na nag-oobserba sa paligid at kay Yulio mismo. Wala silang nakitang bakas ng kahit sino kaya dumiretso sila sa toolshed na puno naman ng alikabok. Ang pinto ng toolshed ay kumokonekta na sa atrium ng mansion kaya doon naman sila nagpunta. Unang tingin pa lang sa hardin, fountain, at swimming pool ay alam na agad kung may tao o wala kaya hindi na sila nagtagal doon. Kaagad din silang nakipagkita sa tatlong naghanap sa may kusina.
"Didn't see any trace of them," bungad ni Zion
"Then let's check the rooms on the second floor."
"Nakapag-check na ako kanina, wala akong nakita," usal ni Jasper.
"You checked every room?" tanong ni Zion.
"A-Ah, karamihan..." Naiilang na sagot ng binata. Hindi naman niya maamin na pumasok siya nang walang paalam sa nakabukas na silid ng direktor kanina.
"Then let's recheck. Sasabihan ko rin ang iba na 'wag lalabas ng kuwarto nila para hindi na madagdagan ang problema natin," tugon ni Zion. Tahimik na sumunod ang iba sa pagtaas niya sa ikalawang palapag.
Gaya ng napag-usapan, kinumpirma nilang wala ang mga hinahanap na binata sa silid nina JC at Xyrus maging sa silid nina Denise, Jade, at Alyanna na magkakasamang natulog. Ayon na rin sa binanggit ni Jasper kanina ay wala silang alam sa mga nawawala. Mabuti na lang din at nakapaghanda na pala ang mga ito ng mga pagkain nila kaya sinabihan na ni Zion ang mga ito na huwag munang lalabas, ikandado ang mga pintuan, at maghintay sa pagkatok niya mamaya.
Muli rin nilang sinuyod ang mga kasunod na silid at gaya ng inaasahan, wala roon. Nang tumapat sa silid ni Dwight, si Zion ang kumatok.
"Mr. Rios! Let us in!" Kasabay iyon ng malalakas na pagtama ng kamao ng lalaki sa pinto na tila ba bubutasin nito iyon. Ngunit, sa halip na pagbuksan ay binulyawan sila ng binata gaya ng ginawa nito kay Jasper kanina. Napagdesisyunan na lang nilang balikan ito mamaya.
Nang dumako naman sila sa silid nina Zion at Avery ay si Avery ang nagbukas ng pinto. Nangunot ang noo ni Jasper dahil wala naman ito kanina ngunit ngayon ay kaharap na nila, nakatali pa ang asul na buhok at nakasalamin habang suot ang kulay asul nitong hoodie.