XX.I - Clue

88 6 55
                                        

Third Person

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person

Mabibigat ang hakbang na bumaba sa hagdan ang nakatiim-bagang na si Chantal. Nang tumapat ang balisa niyang mga mata kay Carrie na maingat na pinupunasan si Kold ay lalong sumikip ang kaniyang dibdib.

Hindi niya alam kung paano sasabihin sa matalik na kaibigan ang nangyari kay Dwight. Mabuti na lang din talaga at siya ang unang nakaalam dahil kung tutuusin ay hindi naman malapit ang loob niya sa binata, ngunit ibang usapan si Carrie.

Sa kanilang lahat na naririto, ang dalaga lamang ang itinuturing nitong kaibigan at saksi siya sa nabuong koneksyon ng dalawa kahit pa nga tutol siya rito. Alam niyang madudurog ito sa sinapit ng taong itinuring nitong kaibigan at lalo pa sa gitna ng sitwasyon nila ngayon.

Una ay si Yehanna, ngayon ay si Dwight. Ni hindi pa nila nahahagilap si Icarus at maging ito ay hindi nila alam kung buhay pa. Tila impyerno ang kinahinatnan ng akala nila'y isang simpleng pagbuo ng pelikula lamang.

"Oh, Chan. Nasaan ang damit? Basa ang suot ni Kold, he needs to change," turan ni Carrie nang makita siya. Naalala niyang kukuha nga pala dapat siya ng damit pero bangkay ang naabutan niya sa taas.

"A-ah, oo nga pala. S-sorry, sa sobrang pagod ko, lutang na," palusot niya at muling umakyat. Nakasalubong niya naman si Zion.

"Don't let Carrie know about Dwight, please. Not right now," mariin niyang bulong sa lalaki. Tinanguan naman siya nito.

"I know. This will be such a shock to her, I don't want her to get traumatized."

"As if she's not traumatized already from all the shit that has happened here." Hindi napigilan ni Chantal na ilabas ang pagkaimbyerna sa mga nangyari at nilampasan ang direktor.

Nang dumaan siya sa kuwarto ni Dwight ay sarado na ang pinto nito. Napalunok na lang siya at dumiretso muna sa silid nila ni Carrie upang kumuha ng mga kakailanganin.

Pagkababa niya ay naroon na rin si Jasper sa salas pati ang dalawang mangkok ng mainit na instant noodles. Ibinigay niya ang damit ni Kold sa binata at iginiya si Carrie papunta sa may pintuan upang bigyan ng oras na mapalitan ni Jasper ang damit ng lalaking wala pa ring malay.

"Carrie..." anas niya. Kumunot naman ang noo ng kausap dahil sa hindi maintindihang ekspresyon ni Chantal.

"Chan? Are you okay?"

"D—I'm fine... just..." Wala siyang balak na sabihin ang malagim na balita sa kaibigan. Napalunok na lang si Chantal at nag-isip ng masasabi.

"W-what about Icarus? Saan na natin siya hahanapin?"

"Oh, right..." Hindi naiwasang dumilim ng ekspresyon ni Carrie dahil hindi pa rin nila nalulutas ang nauna nilang problema.

"Carrie, Chantal, kumain muna kayo." Lumingon naman silang dalawa sa pagtawag ni Jasper. Nilapitan nila ito at nakitang nabihisan na si Kold at suot ang ternong itim na kamiseta at jogging pants. Naupo si Carrie sa tabi nito habang nasa magkabilang gilid sina Chantal at Jasper.

To All The Boys I've Killed BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon