"A beauty to die for."
Stunning, smart, soft-hearted. Having all these qualities, Carrie even gets called an angel who descended from heaven.
Everyone loves her. Everyone adores her.
Little does Carrie know, someone has taken a different level of d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tahimik na bumukas ang pinto at gumuhit sa madilim na silid ang puting liwanag mula sa labas. Isang anino ng lalaki ang nakarehistro sa sahig na agad ring nabura nang buksan ng lalaki ang bumbilya sa loob.
Nilampasan lang niya ang alaga niyang pusa na ngumiyaw sa kaniya habang nakaupo sa sofa sa kaliwang parte ng silid. Dumiretso ang lalaki sa kaniyang kama sa kabilang dulo ng silid, kung saan niya ibinaba ang sukbit na bag.
Naupo siya sa kama, inalis ang suot na face mask, at sinipa paalis ang suot na itim na sapatos. Agad niyang binuksan ang katabing sling bag at ihinuho sa asul na kubrekama ang lahat ng laman nito. Naroroon ang kaniyang cellphone, pitaka, pabango, bungkos ng mga susi, puting panyo na may itim na polka dots, maruming pares ng kutsara at tinidor, walang lamang plastic cup ng milktea, at isang popsicle stick.
Napangiti siya, nilawayan ang labi, at pinadaan ang kamay sa kaniyang buhok bago kinuha ang panyo, kutsara't tinidor, plastic cup, at popsicle stick. Gamit ang parehas na palad ay itinapat niya ito sa sariling mukha at pinagmasdan. Hinaplos-haplos niya ang tekstura ng bawat gamit na para bang mga mahiwagang piraso iyon ng diyamante.
Ginamit niya ang mga ito kanina.... dumikit sa kaniyang mapupulang labi at hinawakan ng mayumi niyang mga palad.
Isinubo niya sa sariling bibig ang kutsara, tinidor, at pati ang popsicle stick. Sinipsip niya itong tila masasarap na pagkain, ang isip ay nagsasabing nalalasahan niya na rin ngayon ang laway ng dalaga. Hindi nagtagal ay inalis niya na rin ito.
Napahugot siya ng buntonghininga at inalala ang mga naganap kanina.
Masuwerte ang araw na ito at nakita niya ang dalagang si Carrie sa amusement park. Hindi niya alam na pupunta rin ito roon, at mabuti na lang talaga dahil hindi siya sinipot ng isa pang babaeng balak niya sanang dalhin sa malapit na hotel.
May mga kasama ito, karamihan ay lalaki. Napaisip tuloy siya kung kagaya ba nito ang mga uri ng babaeng napagsawaan na niya— mga babaeng hayok sa laman. Mga babaeng nilamon na ng kamunduhan at sumasaya nang lubusan kapag may pumapasok sa lagusan.
Napaismid siya. Rumehistro tuloy sa imahinasyon niya ang itsura nito na walang saplot, nakahiga sa kama, at nagniningning ang matang nakatitig sa kaniya nang malagkit.
Napakagat siya sa labi at tuluyan nang humiga sa kama, hawak pa rin ang kung ano-anong mga gamit. Ramdam niya ang pag-init ng paligid niya at natanaw ang unti-unting pagsibol ng umbok sa gitna ng kaniyang itim na pantalon.
Kanina ay palagi siyang nakasunod sa dalaga. Noong sumakay ito sa roller coaster, hindi siya nagpahuli at sumakay rin. Noong kumain ito ng tanghalian, nakaupo siya at kumakain sa malapit. Pinulot niya pa ang nalaglag nitong panyo at pasimpleng kinuha ang ginamit na kubyertos nang makaalis na.
Naglaro rin ito sa puwesto ng mga roleta, baril, at hinuhulog na bola. Hinablot niya rin ang baso ng milktea na naiwan nito sa isang upuan.
Ang pinakapaborito niya ay ang pagpasok ng dalaga sa isang horror house. Nakisabay siyang pumasok dito, at nang nasa dilim na ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Hinawakan niya ang braso nito, ang baywang, at saglit pang inilapit ang mukha sa batok. Iyon na ang pinakamalapit na pagkakataon niya sa dalaga.
Mabuti na lang at tila wala itong napansin. Akala siguro ay ang kaibigan niyang babae lamang ang lumalapit sa kaniya.
Napatiim-bagang siya nang maalalang bahagya niyang nahaplos ang bandang dibdib nito kanina. Malambot iyon, sigurado siya. Kahit halos isang segundo lang na lumapat ang mga kamay niya rito ay tandang-tanda niya ang sensasyon na iyon.
Hindi na siya nakapagpigil at ibinaba ang hawak na mga bagay sa gilid ng kama. Dali-daling niyang binuksan ang butones ng suot na polo at niluwagan ang kaniyang sinturon.
Ilang sandali pa ay pumikit siya at lumipad ang isip patungo sa isang imoral at kasuklam-suklam na gawain.
Sa isip niya'y bumubulong siya nang paulit-ulit.
Kaunting panahon na lang, makukuha na rin kita.
וו×
A/N: Blurry Lenses are quick story interludes I decided to add in order to add more context for future events and expand the perspective of the readers. Interludes are breaks from the main narrative of the story and focuses on the point of views of characters other than Carrie. Also, Blurry Lenses will always be in third person and pronouns will be kept neutral as much as possible to maintain the mystery. Alam kong may third person's POV din naman sa main narration pero there are some scenes na masyadong malayo sa sequence ng events, mahirap lagyan ng transition, o kailangang i-narrate pero hindi dapat mabanggit kung sino ang mga tauhan, so yeah. I hope Blurry Lenses can ignite your interest even more. Thanks for reading!