II.I - Perpetuate

427 57 127
                                        

Carrie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Carrie

"Hi! Um, excuse me po, alam n'yo po ba kung saan makakabili ng brown folder dito sa campus?"

Ythan's aura was as bright as the sun that Monday morning, first day of our lives as college students. He was that cute ginger-haired boy wearing a green insulated vest over his uniform during a fairly warm weather.

Brown folder. Everything started because of a brown folder.

Halatang transferee si Ythan dahil hindi niya alam kung nasaan ang university mall na kabisadong-kabisado na ng bawat student sa Yelton. Kailangan niya raw kasing bumili ng extra folder para sa ire-resubmit niyang requirements for admission. And as someone who was studying at the university for the past two years, I gladly took him to the mall and found out that he was my batchmate, starting his first year as a Computer Science student.

Matagal kaming hindi nagkita pagkatapos noon. Sa laki ba naman ng campus, mahirap talagang makasalubong ng mga taong kakilala mo kung hindi naman talaga kayo magkikita. Pagkatapos ng ilang buwan, nagkausap lang ulit kami noong patapos na ang first trimester habang bumibili sa parehong school supplies store na pinuntahan namin noon sa university mall.

"Uy, ikaw si Carrie, 'di ba? Naaalala mo pa ba ako?"

If there was a single word I could use to describe Ythan, it would be... pure. He just had this childlike charm, and not just because of his height of being a little over five feet and his polite way of speaking, but because of being an overall comfortable person.

Palakuwento siya. May pagka-joker, pero may oras din na nag-iisip siya tungkol sa malalalim na bagay. He was curious, but not nosy. He was slightly childish in a way that he sometimes exaggerated his gestures and got dopey every once in a while, but his refreshing demeanor redeemed everything.

I personally think that Ythan had one of the best smiles I've ever seen.

But I killed that smile.

Malinaw pa rin sa isip ko ang eksenang iyon kahapon. Ang namumutlang mukha ng pawisang driver na bumaba galing sa minamaneho niyang puting utility van, ang sigawan ng mga taong nakapaligid, pati na ang masisiglang huni ng mga ibon sa kahel na himpapawid na walang pakialam sa trahedyang nangyari sa ibaba.

Ramdam ko pa rin ang hangin.

Malamig. Ibang klase ang lamig ng hangin na dumampi sa balat ko habang minamasdan ang nakasalampak at duguang si Ythan sa kalsada.

It was like... someone was hugging me. But instead of warmth, that hug made my hair stand on end.

Nanigas ako sa pagkakatayo at para bang bumagal ang tibok ng puso ko. Gusto kong lumapit, gusto kong daluhan si Ythan pero nawalan yata ako ng lakas at kahit ang lalamunan ko ay biglang natuyo.

Soon enough, there were flashing red lights. There were men dressed in white surrounding Ythan. There were uncomprehensible whispers, along with several judgmental stares pointing towards my stiff stature.

To All The Boys I've Killed BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon