X.II - Espial

64 10 12
                                    

Third Person

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person

Lumipas ang dalawang araw mula noong interogasyon at sumapit ang Huwebes. Halos ala-una na ng tanghali nang makababa mula sa puting kotse sina Jasper at Chantal na aburidong-aburido sa dinanas na traffic sa daan.

"Hinayupak na 'yan, halos 40 minutes mula sa bahay hanggang Kazmo? Nalipat na ata rito ang EDSA, ah," himutok ni Jasper na napatingin sa relo habang naglalakad. Napairap na lang si Chantal bilang pagsang-ayon at binilisan ang lakad patungo sa entrance ng pinuntahang mall dahil ang mainit sa underground floor na pinag-parking-an nila.

Nang makarating sa loob ng gusali ay agad na dumiretso ang dalawa sa Ristorante Rizzo, ang paboritong kainan ni Carrie ng espesyal na pasta. Inokupa nila ang isang mesang nasa gilid ng salamin kung saan kita nila ang mga nagdaraang tao sa labas.

Agad naman silang pinagsilbihan ng isa sa mga lalaking waiter at binigyan ng menu.

"Ah, no need for the menu. One Tagliatelle alla Bolognese and Ravioli di Zucca for take out, please," saad ni Chantal at magalang na ibinalik ang menu sa matangkad at may bigoteng serbidor. Tumango ito at bahagyang yumukod sa dalawa bago tumalikod at naglakad patungo sa counter.

Matapos noon ay saglit na natahimik ang magkaibigan, parehong dinarama ang malamig na bentilasyon ng restaurant na malayo sa tila pugon nilang kotse kanina, kahit pa bukas na ang air-conditioner. Nagmasid din sila sa mga taong kumakain sa loob ng magarang interior ng kainan.

Samantala, kasalukuyang papasok sa kinalalagyang gusali ng dalawa ang isang taong nakaitim na hoodie. Nakapamulsa siyang humarap sa nag-iinspeksyong guwardiya na ipinatanggal ang sumbrerong sumasakop sa buhok niyang kulay matingkad na rosas. Ibinaba niya rin ang suot na facemask at hindi nagtagal ay malaya na siyang naglilibot sa unang palapag ng mall.

Inilabas niya ang hawak na cellphone na nakatago sa bulsa ng suot na hoodie, at sinilip kung nasaang direksyon na ang kulay pulang tuldok na siyang dahilan kung bakit siya nagpunta sa lugar na ito. Nakarehistro sa screen na halos tatlumpung metro ang layo ng sinusundan niya, na nasa gawing hilaga.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi nagtagal ay nakita ang hinahanap na nasa loob ng isang Italian restaurant. Napaismid ang siya sa ilalim ng suot na mask sabay sandal sa barikadang salamin.

"As elusive as ever, Chantal."

Sa loob naman ng restaurant, nagaganap ang diskusyon nina Jasper at Chantal tungkol sa kaibigang iniwan nila ngayon sa kanilang bahay.

"Kung hindi naman siya connected sa case, bakit siya pinatawag ulit ng pulis kahapon? Ang sabi niya sa akin, nagpa-confirm lang daw sa kaniya kung kilala niya ang mga persons of interest daw sa kaso," litanya ni Chantal at lumagok mula sa baso ng malamig na tubig na inihain sa kanila habang naghihintay.

"O, alam mo naman na pala, eh. Baka si Carrie lang ang close friend ni Ethan na puwede nilang konsultahin sa mga gano'ng bagay kasi sabi mo nga sa akin, 'di ba, mag-isa lang si Ethan dito at nasa probinsya ang pamilya niya. May sense naman, ah?" tugon naman ni Jasper na paulit-ulit tumitingin sa suot na relo.

To All The Boys I've Killed BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon