Blurry Lenses 3

51 10 13
                                    

MAHINANG tumutugtog mula sa nakabukas na cellphone sa ibabaw ng kama ang isang kanta mula sa isang sikat na bandang galing sa Japan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAHINANG tumutugtog mula sa nakabukas na cellphone sa ibabaw ng kama ang isang kanta mula sa isang sikat na bandang galing sa Japan. Kasabay nito ang mababang ugong ng air conditioner na nagdudulot ng malamig na klima sa loob. Ang malaking bumbilya sa gitna ng kulay abong kisame ang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng silid.

Nakatayo lamang siya sa tabi ng kama, mariing nakatitig sa hawak na papel.

DOROTHY

Mamamatay ka...

DALTON

(walks backward slowly) N-No, you're dead, Dorothy... (bumps with the table, vase falls. SFX: loud shattering)

DOROTHY

(close-up shot, crying blood) MAMAMATAY KA! (SFX: shrill scream)

[Dalton wakes up]

Napangiti siya at inayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pahinang nasa kamay. Inilagay niya na ulit iyon sa file case na naglalaman ng iba pang papeles at itinuloy ang ginagawa.

Halos puno na ng mga damit ang malaking sports bag na bibitbitin niya, kaya isiniksik niya na lamang sa backpack ang mga papeles kasama ng mga binaon niyang pagkain, na karamiha'y sitsirya at mga lata ng root beer.

Dumako siya sa mga gamit sa pag-aayos ng sarili at kinolekta na ang mga pabango at iba pang bote sa ibabaw ng cabinet. Sa aktong iyon ay nasagi ng kamay niya ang nakakuwadrong litrato sa sulok nito. Kinuha niya iyon at dahan-dahang inilapit sa sarili.

Tinitigan niya ang dalawang tao sa litrato—isang babae at lalaking magkayakap sa loob ng isang photobooth.

Napalunok siya.

Tumalim ang titig sa litrato—sa mukha ng lalaking tila wala nang mata sa pagkakangiti at kalauna'y sa katabi nitong dalaga, nakakindat ang isang mata kasabay ng matamis na pagkurba ng labi. Ang itim at hanggang balikat nitong buhok ay nagbibigay ng kakaibang alindog sa maamo nitong mukha.

Mabagal niya itong ipinatong muli sa pinagkuhanan saka tumayo.

Maingat at halos walang ingay siyang naglakad patungo sa kabilang dulo ng silid kung saan naroroon ang dalawang puting pinto. Pumasok siya sa kanan.

Kadiliman ang bumungad sa kaniya, ngunit kabisado na ng kamay niya kung saan mahahanap ang pindutan. Sumambulat ang pulang liwanag sa silid na nagmistula nang pininturahan ng dugo.

Isinara niya ang pinto at humarap sa pader na nahaharangan ng itim na tela. Hinaklit niya iyon sa pagkakasabit at tumambad ang bagay na pinagtatrabahuhan niya sa loob ng nakaraang tatlong buwan.

Nakapaskil ang litrato ng isang babae sa gitna—iyon din ang babaeng nasa litrato sa may lamesa. Dalawang ginupit na bahagi ng dyaryo ang nakapaskil sa magkabilang gilid ng babae, at ilang piraso rin ng papel ang nakadikit sa palibot.

Alam na alam na niya ang nilalaman ng mga papel na iyon: ang petsa, ang oras, ang lugar, at ang nag-iisa niyang gabay patungo sa taong hinahanap.

"I already found the Angel... " bulong niya.

Lumapit siya sa litrato at dahan-dahan itong inalis sa pagkakalagay. Humugot siya ng malalim na buntonghininga bago buksan ang maliit na lalagyang nakatago sa pader at kinuha ang bagay na nakalagak doon.

Maingat niya muling ibinalik ang litrato ng babae upang takpan ang nakatagong sisidlan. Pumirming muli ang matalim niyang sulyap sa imahe ng dalaga.

"It's about time. I'll bring you justice, I promise... "

Bumaba ang tingin niya sa hawak na baril.

"I'll kill the Angel."

וו×

A/N: This is the official start of the third arc! I can't believe we've come to this point. I hope you look forward to the future updates!

Your votes, comments, shares, and any type of support are deeply appreciated! Thank you so much for reading!

Btw, a clue: So far, each Blurry Lenses features a different character. Who? ʘ⁠‿⁠ʘ

To All The Boys I've Killed BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon