XIII - Party

106 12 72
                                    

Third Person

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person

"Ano, game na lahat ha? Walang KJ, pauuwiin na agad! Carrie, paikutin mo na!"

Bakas na bakas sa malakas na boses ni Jasper ang saya at kasabikang nararamdaman sa gagawin nilang drinking game. Tumango naman ang lahat ng kasama at hinawakan na nga ni Carrie ang walang lamang bote sa gitna, saka pinaikot nang mabilis.

Lampas alas-siete na nakabalik sa unit ni Kold ang mga taong nagsibili ng pagkain at inumin na sina Jasper, Chantal, Icarus, at Carrie. Kasunod na rin ng sasakyan nila ang mamahaling sports car ni Dwight na atubili pang sumama sa grupo kung hindi lamang sa pag-uudyok ni kapares sa photoshoot.

Nag-asikaso muna ng mga makakain ang mga dalaga habang si Jasper ang naghalo ng cocktail at naghanda ng iba pang inumin, habang nakaalalay sa gilid si Kold na pagod pa sa paglilinis ng apat na sulok ng inuupahang espasyo. Naiwan sa salas si Icarus na naglaro ng chess mag-isa gamit ang dalang mat-and-pieces set habang hindi naman napigilan ni Carrie si Dwight nang lumabas ito at bumalik sa sasakyan upang doon daw muna maghintay.

Sa saliw ng mga makabagong tugtugin ay lumipas ang isang oras at ngayon nga ay nakaupo na nang pabilog ang anim sa may salas, handa na sa pinakainaabangang parte ng kanilang pagtitipon-ang inuman at ang larong kasabay nito.

"Ayan naaa! Ang buena manong titikim sa Jasper's Jug of Wonder ay siyempre, si beastie bestie Chantal!" Dalang-dala ng enerhiya ni Jasper ang atmospera at napangiti na lamang ang mga katabi nito. Napaikot naman ng mata ang dalagang natapatan ng bote at inismiran ang nanunuyang kaibigan.

"'Wag mong taasan ha, ibubuhos ko sa 'yo 'yan!" banta pa nito at pinanood ang pagsalin ni Jasper ng inuming mapusyaw na kahel ang kulay sa shot glass.

"Wait, ano ulit 'yang tinimpla mo, Jasper? Baka tumumba agad si Chantal niyan ha, hindi ko kayang mag-alaga sa inyo nang mag-isa," biro naman ni Carrie na nasa kaliwa ng kaibigang iinom.

"Um, ano... bale lychee martini siya pero walang vodka, tapos may sparkling water, four seasons juice, saka Sprite, tapos eto, candies. Edi hindi na pala siya martini, vermouth na lang na may mga halo. Basta masarap 'yan, tikman mo na! Baka nag-part time bartender 'to!" pagyayabang naman ng binata at inasar pang muli si Chantal sa pamamagitan ng isang eksaheradong pag-aktong uminom at nasarapan, gaya sa patalastas.

"Kapag talaga hindi 'to masarap, lulunurin kita sa buwiset mong Jug of Wonders na 'yan. Akin na!" Inabot ni Chantal ang shot glass at deretsahang nilagok. Napadila siya sa labi pagkababa ng baso.

"O ano? Natameme ka, ano? Sarap, 'di ba?"

"Isa pa nga."

"Eyyy!" Umalingawngaw ang kantiyawan ng magkakaibigan na karamihan ay galing kay Jasper dahil sa sinabing iyon ni Chantal, na napangiti na lamang dahil kinain niya lahat ng sinabi kanina. Hindi naman masyadong umiimik si Dwight ngunit nakangiti, habang tumatawa si Kold pero walang nakaririnig dahil sa sobrang hina.

To All The Boys I've Killed BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon