"A beauty to die for."
Stunning, smart, soft-hearted. Having all these qualities, Carrie even gets called an angel who descended from heaven.
Everyone loves her. Everyone adores her.
Little does Carrie know, someone has taken a different level of d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Warning: This chapter contains scenes that might not be comfortable for some readers, especially those who have triggers with sexual harassment and violence. Please read with caution, thank you.]
Third Person
"Excuse me, is the team secretary here?"
Napukaw ang mga nag-uusap na dalagang sina Chantal at Anna nang sumulpot sa may pintuan ang pigura ni Kold, sinusuyod ng tingin ang loob ng silid. Nagtaas naman ng kamay si Anna at tumayo.
"Hello! I'm the secretary. What do you need?" bungad niya at naglakad palapit. Sumunod naman sa kaniya si Chantal.
"The higher-ups ordered that the attendance of students be monitored as strictly as possible. The foundation week still requires attendance, and anyone who won't show up or log in will be considered absent. Paki-relay na rin sa assistant secretaries ninyo sa lower floors. Thank you."
"Noted, thank you for the info," pagtalima ni Anna. Tumalikod na si Kold upang umalis nang humakbang si Chantal at hawakan siya sa kaliwang braso. Napaharap ang binata sa dalagang nagpaalam muna kay Anna bago tuluyang lumabas ng silid.
"Bakit?" tanong niya. Inunahan naman siyang maglakad ni Chantal sa pasilyo kaya napasunod na lang ang binata.
"We have some things to talk about. Kahapon pa ako nagcha-chat sa 'yo, pero hindi ka naman nagsi-seen. I couldn't even get a hold of you here yesterday, para kang kabute na kung saan-saan na lang sumusulpot," mahabang litanya ni Chantal na nakataas pa ang kilay. Napakamot na lang ng batok ang kaharap nito.
"You know, Student Council duties. Busy ako kahapon lalo na at opening ceremony ng foundation week. Pagod na ako pag-uwi sa unit, kaya hindi na ako nakapagbukas ng messages," paliwanag ni Kold. Tumigil silang dalawa sa dulo ng pasilyo kung saan may railings na matatanaw ang malawak na open field ng Yelton.
"Hay, that's what you get for being Mr. Responsible. Mas busy ka pa yata kaysa kay Icarus, eh. Anyway, wait... I recognize that shirt." Sumilay ang isang ngiti sa mukha ni Chantal at sinuyod mula ulo hanggang paa ang itsura ni Kold. Suot nito ang de-kuwelyong long sleeve shirt na may puti at asul na stripes, ID na may pink lace, at pantalong mapusyaw na asul. Napaismid naman si Kold nang malaman ang tinutukoy ng dalaga.
"Yeah, it's the shirt you gave me last Christmas. And?"
"You look good!"
"Just because I'm wearing the one you gave me. Kilala na kita, Chantal. And? Ano ba talagang gusto mong pag-usapan?"
Napairap na lang si Chantal sa nakangising kaharap.
"Okay, let's get to the point. Did you notice something about Jasper these past few days?"
Napalunok si Kold.
"No? What do you mean by something?"
"I mean, he wasn't the usual Jasper. The cheerfulness, the pushiness, basta, iba siya sa mapang-asar at napakakulit na Jasper na kasama natin every day. Kahit kahapon, noong unang basketball game ng team nila, ilang minuto lang siyang naglaro dahil puro personal foul. He seems so unfocused. 'Di ba?"