"A beauty to die for."
Stunning, smart, soft-hearted. Having all these qualities, Carrie even gets called an angel who descended from heaven.
Everyone loves her. Everyone adores her.
Little does Carrie know, someone has taken a different level of d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Third Person
"Tubig, Carrie."
Nilawayan ni Carrie ang nanunuyot na labi at tinanggap ang boteng iniaabot ni Jasper, na galing sa convenience store sa tabi ng police station. Agad niya iyong nilagok habang nakatingin lang sa kaniya ang dalawang kasama.
Pagkatapos sabihan ng pulis na kailangan siyang kuwestiyunin tungkol sa kaso ni Ethan, napuno ng kaba ang dibdib ng dalaga. Hindi na siya nagpasundo pa sa mga pulis dahil baka maging usap-usapan na naman ito sa unibersidad, kaya nagpahatid na lang siya kay Jasper at sinamahan siya ng dalawa sa istasyon.
Halos alas-sais na at isang oras na silang naghihintay sa lobby. Nagpakilala ang dalaga sa isang empleyado sa front desk pero pinaupo lang muna siya sa isang tabi dahil may pagpupulong pa raw ang mga opisyal na may hawak sa kaso. Natuyot na nga ang lalamunan niya sa kahihintay.
Tahimik lang ang tatlo habang unti-unti nang nilalamig sa air-conditioning ng lugar. Batid ni Carrie na nag-aalala sa kaniya ang mga kaibigan dahil iniisip ng mga itong baka suspek siya sa nangyaring krimen, ngunit panatag naman ang loob ni Carrie tungkol doon dahil alam niya sa sarili niyang wala siyang kinalaman.
Gayunpaman, may isa pang rasong naiisip ang dalaga kung bakit siya ipinatawag: isa siya sa mga contacts ni Ethan. Malamang ay naungkat ng mga ito ang koneksyon nila sa cellphone ng binata.
Kinakabahan man sa mga posibleng kahantungan ng interogasyon, umiiral din ang kasabikan sa dibdib ni Carrie—kasabikan dahil magagamit niya ang pagkakataong ito upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kaso. Kung maaari man ay gusto niyang tumulong sa paghahanap ng salarin, kung may maitutulong man siya.
"Caroline Belfiore."
Napakislot mula sa pagkakatulala ang dalaga nang sa wakas ay sumulpot mula sa kalapit na pasilyo ang isang pulis na nababalot ng kayumangging trench coat na may itim at mangulot-ngulot na buhok. Nagtaas siya ng kamay at tinanguan ito ng pulis. Humugot siya ng malalim na hininga at sumulyap sa mga kaibigan bago maglakad.
"Carrie, 'wag kang kabahan, ha? Ingat sa sasabihin."
"We are political science students, and you have an idea about how a proper interrogation should go. Kapag may nararamdaman kang masama, just call me or alert a female officer kung meron. And don't forget that you have the rights to have a lawyer, okay?"
Tinanguan niya ang mga paalala nila at lumunok habang palapit sa pulis. Lumingon pa siya sa dalawa bago pumasok sa interrogation room.
"This is just like what I see on television series and movies," wika ni Carrie sa isipan. Simple at halos walang naman ang silid, mayroon lamang na isang puting parisukat na lamesa sa gitna at dalawang kahoy na upuan sa magkatapat na gilid nito.
Bahagyang nabunutan ng tinik ang dalaga nang malamang may isang payat at nakasalaming babaeng pulis na nakatayo sa isang gilid. May hawak itong clipboard at matamang nakatitig sa kaniya.