XVIII.II - Shatter

52 5 46
                                        

Third Person

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person

“AAAHHH!”

Hindi na nalaman ni Carrie kung sino sa mga kasama ang tumili dahil naghalo-halo na ang pagdagundong ng kulog, kalabog ng mga muwebles, at sabay-sabay na reaksyon sa nakakikilabot na estado ni Yehanna na dinagdagan pa ng pagdilim ng kapaligiran.

“Carrie!” Isang kamay ang agad na kumapit sa bisig niya at alam niyang si Chantal iyon. Inilahad niya ang kamay sa kaliwa upang hawakan sana si Kold na katabi niya ngunit wala na ito sa puwesto. Sabay silang tumayo ni Chantal at nangapa sa dilim habang patuloy na nagkakagulo ang lahat.

“Anong nangyari? Jusko!”

“Emergency lights! Wala bang emergency lights dito? Yulio, do something!”

“May generator sa breaker room! Sandali!”

“Aray, 'yong paa ko, hoy!”

Maingat na naupo sa sofa sina Carrie at Chantal at rinig nila ang malakas na boses ni Zion na sinusubukang pakalmahin ang mga kasamang hindi makita sa dilim. Nagkakalabugan na ang mga muwebles sa paligid na marahil ay nababangga ng mga sumusubok maglakad. Hindi naman nawala sa isip ni Carrie ang kalagayan ng iba pang mga kaibigan pati na si Yehanna na hindi niya alam kung bakit bigla na lamang humandusay.

“Kold? Jasper? Si Yehanna?” Hindi na alam ng dalaga kung kaninong pangalan ang tatawagin sa kalituhan.

“Jasper, hawakan mo lang si Yehanna, 'wag na kayong umalis sa puwesto!” singhal ni Chantal na nakakapit pa rin sa kaibigan. Rinig na rinig nila ang malalakas na kulog sa labas pati na ang mabigat na buhos ng ulan.

“‘Wag kayong mag-panic! Walang aalis sa puwesto!” Hindi na ininda ni Carrie ang sinabing iyon ni JC dahil ang isip niya ay nag-aalala kung nasaan ang isa niyang kaibigang biglang nawala sa kinalalagyan nito.

“Kold? Where are you?”

“Nasaan na ba si Kuya Yulio?”

“Baka kung ano nang nangyari kay Yehanna! Yulio!”

“Ahhh!”

Gumuhit ang puting tikas ng kidlat sa madilim na kalangitan at saglit na sumambulat ng liwanag sa loob ng mansion sa pamamagitan ng malalaking bintanang salamin. Sa loob ng segundong iyon ay rumehistro sa paningin ni Carrie ang kalat-kalat na puwesto ng mga kasama, partikular na ang isang lalaking nakatakip sa mga tainga habang nasa tapat ng bintana sa kabilang dako ng salas.

“Kold!”

“Carrie, teka!”

Madilim man ay humulagpos si Carrie sa pagkakahawak kay Chantal at nagmaniobra papunta sa direksyon kung saan niya nakita si Kold. Natapilok pa siya sa isang taong nakaupo sa sahig na sa palagay niya'y si Jasper.

Umalingawngaw naman ang kulog sa buong lugar at muling naghiyawan ang mga tao.

Muling nagliwanag ang paligid at sa pagkakataong ito, mas nagitla ang lahat sa nakabibinging dagundong na halos sumira sa kanilang pandinig at sa pagkabasag ng malalaking bintanang salamin ng mansion. Naghiyawan ang karamihan at maging si Carrie ay napatakip sa tainga at pumikit. Kaagad na pumasok ang malamig na bugso ng hangin kasabay ng mga rumaragasang patak ng ulan.

To All The Boys I've Killed BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon