Third Person
"YOU MEAN Kold stays everywhere except his own room with Icarus?"
Umihip ang preskong hangin sa hardin ng Sunset Mansion kung saan nakatanim ang mayayabong na kulay lilang bulaklak ng veronica. Ang buong espasyo sa kanan ng mansiyon ay napupuno ng mga hilera ng matatangkad na bulaklak na sumasayaw, at ang korte ng pagkakatanim sa mga ito ay kagaya ng hardin sa loob-tila mga sinag ng araw. May maliit na balon sa gitna ng lugar na may bubong at timba pa, at payapa ang atmospera habang pasikat pa lamang ang liwanag galing silangan.
Sa parte ng hardin na mas malapit sa pader ng mansiyon ay naroroon sina Carrie at Chantal, parehong nakayuko at sinusuyod ng tingin ang mga bulaklak.
"He didn't tell me directly, but when I asked Jasper, he confirmed it. Naka-schedule na nga raw silang magpalit ng room kagabi upon Kold's request," tugon ni Carrie na nakasuot ng mahabang puting bestida, ang bihis niya para sa eksena bilang multo mamayang tanghali.
"The issue between them is that serious? Grabe. If Kold can't even endure being alone in the same room with Icarus, what could've happened? This is getting out of hand," komento naman ni Chantal at hinawi ang isang kumpol ng mga veronica. Dumikit ang ilang pirasong talulot sa suot niyang asul na oversized shirt.
"I'm really worried. If only I can mediate, pero sabi ni Icarus aayusin naman daw niya saka ayoko ring manghimasok sa issues nilang dalawa." Buntonghininga si Carrie. Binalingan niya ang kaibigan sa bandang kaliwa. "Have you seen anything yet?"
Ngumuso si Chantal at umiling. "Girl, kung nandito pa 'yong papel na itinapon ni Dwight kahapon, sana nakita na natin kanina pa. Dito lang naman sa tapat ng kuwarto nila 'yon mapupunta."
"I need to find that paper, Chan. Kung nakita mo lang ang itsura ni Dwight pagkakita ng laman ng papel na 'yon, you'd be dying to know what's in that thing." Pinahid ni Carrie ang namumuong butil ng pawis sa sentido.
"Where is Yehanna? Akala ko ba susunod na siya rito?" tanong ni Chantal na nakapameywan na. Tinanaw niya ang bintana ng ikatlong silid mula sa harapan, ang kuwarto nila ni Carrie kung saan naroroon si Yehanna ngayon.
"Baka nagpapa-make up na. Hayaan mo na, hindi naman tungkol sa problema niya ang ginagawa natin dito. Let's look a little more before the sunlight gets too harsh," anyaya ni Carrie at dahan-dahang lumiban sa kabilang parte ng palumponh ng halaman na iniinspeksyon. Wala na ring nagawa si Chantal kundi muling maghanap.
"Tell me, Carrie..." saad ng dalaga habang patuloy sa ginagawa. "How do you really feel about Yehanna now? After everything?"
Saglit na napatigil si Carrie sa tanong na iyon, pero muling yumuko upang maghanap ng nakalamukos na papel sa pagitan ng mga bulaklak.
"I never expected na mauulit ang pagkakataon na matutulog tayong tatlo sa iisang kuwarto. Pagkatapos niyang maging public enemy mo for the past years, sa iyo pa rin pala siya iiyak," dagdag ni Chantal, tinutukoy ang kaganapan sa nakalipas na gabi kung saan nakitulog si Yehanna sa kanila dahil natatakot daw ito sa roommate na si Alyanna. Malalim naman ang buntonghininga ni Carrie.
BINABASA MO ANG
To All The Boys I've Killed Before
Mystery / Thriller"A beauty to die for." Stunning, smart, soft-hearted. Having all these qualities, Carrie even gets called an angel who descended from heaven. Everyone loves her. Everyone adores her. Little does Carrie know, someone has taken a different level of d...