"A beauty to die for."
Stunning, smart, soft-hearted. Having all these qualities, Carrie even gets called an angel who descended from heaven.
Everyone loves her. Everyone adores her.
Little does Carrie know, someone has taken a different level of d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Third Person
Sabay sa bawat hakbang ng binatang si Jasper ang kalansing ng kung ano mang bagay na nasa bulsa ng asul niyang jogging pants. Diretso siyang pumasok sa nakabukas na main door ng mansion nina Carrie.
"Ang tagal mo!" Bumungad sa kan'ya ang nakabusangot sa mukha ni Chantal na galing sa kusina. Nag-peace sign lang siya rito at naupo sa armrest ng sofa na pinakamalapit sa kaniya. Luminga rin ang tingin niya sa paligid.
"Si Carrie?"
Napabuga ng hangin si Chantal na lumapit sa center table at kinuha ang cellphone niya roon.
"Still in her room. Hindi pa siya lumalabas mula pa kaninang umaga, pagkarating namin dito."
"Ha? Nagugutom na 'yon, bakit hindi mo pinuntahan o dinalhan ng pagkain?"
"I did! Ano ba'ng akala mo sa 'kin? It's just that she was already asleep when I checked her out. Iniwan ko rin sa loob ang pagkain. Pero hanggang ngayon, wala pa siyang paramdam. It's either she's still sleeping or she doesn't want to get up."
Nahalata ni Jasper sa tono ng dalaga ang tila mabigat nitong dinadala.
"Bakit mo ako pinapunta rito?" direktang tanong niya rito.
"Where's your picking kit?"
"Ahh, oo nga pala." Dinukot ng binata sa bulsa ang mga mala-susing bagay na nakakabit sa isang smiley face na keyring. Pinaikot niya iyon sa kanang hintuturo at ngumisi kay Chantal. "Aling butas ba ang kakalikutin natin for today's video?"
"Ew, Jasper!" Nangulubot ang mukha ni Chantal at nadidiring tumalikod sa kausap. Napatawa na lang ang lalaki.
"Hoy, joke lang, last na 'yon. Kaninong padlock nga ang bubuksan natin?" usal niya.
"Sumunod ka na lang, baka masampal pa kita."
"Luh," bulong ni Jasper na napakamot na lang sa at agad na bumuntot sa dalaga. Umakyat sila ng ikalawang palapag.
"Huy, 'wag mong sabihing kay Carrie? Kung nag-lock siya ng pinto, puwede mo naman siyang kau—"
"Hindi." Nilampasan nila ang kulay abong pinto ng kuwarto ni Carrie. Nagtagal nang ilang segundo ang titig ni Jasper sa pintong iyon, sa isip ay inaalala ang kalagayan ng dalaga.
Tumigil sila sa may pintuan ng silid na dalawang kuwarto ang pagitan mula sa unang nabanggit. Mapusyaw na lila ang pintura noon, na kilalang-kilala ni Jasper.
"Seryoso ka ba?" wika niya sa kasama. Tinaasan lang siya ni Chantal ng kilay.
"May kukunin tayo sa loob."
"Ngayon pa talaga natin 'to papasukin kung kailan nandito siya sa bahay? Gusto mo bang ma-evict tayong dalawa rito?"
"Umalis si Cassie the witchy. She'll meet with her friends daw, mga sassy stupid shits na katulad niya."