"A beauty to die for."
Stunning, smart, soft-hearted. Having all these qualities, Carrie even gets called an angel who descended from heaven.
Everyone loves her. Everyone adores her.
Little does Carrie know, someone has taken a different level of d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Third Person
Maalinsangan ang dampi ng hangin sa may kaputiang balat ni Carrie sa paglabas niya mula sa gusali ng Social Sciences. Katatapos lang ng isa nilang klase, at kasunod niya si Chantal na nakatingin pa sa hawak nitong libro.
"Uuwi na ba tayo, Chan? Wala na raw class sa Natural Science, 'di ba?" tanong ng dalaga. Lumiko sila sa isang pathwalk habang patuloy na binubuklat ni Chantal ang libro at itinutupi ang ilang pahina.
"Siguro? May klase pa raw sina Kold hanggang mamayang hapon, eh. Madugo talaga sa Arki, finals week na pero may activities pa," tugon nito na tinanguan ng kaibigan.
"Right. It's a good thing na mababait ang karamihan sa professors natin, nagbigay pa nga ng pointers si Prof. Hazelyn, then the others gave us ample time to review."
Ibinalik na ni Chantal sa sukbit na bag ang aklat at tumanaw sa malawak na university field. Halos walang tao sa gitna noon dahil nga tirik na tirik ang araw. Napagpasyahan nilang pumunta sa pinakamalapit na cafeteria.
"I can't even believe that the second trimester is ending so soon. Parang kapapasok lang natin as freshies," banggit ni Chantal nang makapasok.
"And a lot has happened lately. Days just passed really fast, I feel like—" Natikom ang bibig ni Carrie nang mahagip ng mata ang isang papalapit na dalaga.
"Carrie..."
"We have no time for you and your shits, Yehanna," mariing pagsalubong ni Chantal sa babaeng nakadilaw na off-shoulders at maong na pantalon. Tila nanibago naman si Carrie sa nabasang ekspresyon sa mukha ng dating kaibigan—kung karaniwan itong nakataas ang kilay at matapang ang titig noon, ngayon ay dama niya sa kislap ng malamlam nitong mata na may bumabagabag dito.
"I'm not here to cause any harm—"
"You've said that before, and the next day Carrie suffered from malicious rumors."
"What's your problem?" usal ni Carrie kaya napatingin sa kaniya ang dalawang dalaga.
"I just want to talk to you, Carrie. I promise, this isn't anything like the things I've done back then. After this, I won't bother you anymore." Humakbang palapit si Yehanna.
"Carrie, tara na—"
"Let's settle things once and for all."
"Are you sure?" Kunot-noong tumitig si Chantal sa kaibigan at nang tumango ito, kay Yehanna naman siya bumaling.
"If you do anything undesirable again, humanda ka talaga sa akin."
"I promise."
Pagkatapos noon ay nagpaalam si Chantal na pipila upang bumili ng pagkain, at nakahanap ng puwesto ang dalawa sa pinakasulok ng kainan.
Umupo sila nang magkatapat at namayani ang kakatwang katahimikan. Parehong hindi makatingin sa isa't isa ang dalawa dahil nga sa nangyari sa pagitan nila sa loob ng nakaraang taon.