"A beauty to die for."
Stunning, smart, soft-hearted. Having all these qualities, Carrie even gets called an angel who descended from heaven.
Everyone loves her. Everyone adores her.
Little does Carrie know, someone has taken a different level of d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Third Person
"What do you want to order? Ako na ang magbabayad."
Nilingon ni Carrie ang katabing si Chantal na blangkong nakatingin sa kaniya bago ilipat ang atensyon sa menu na tanaw nila sa ibabaw ng counter.
"Siguro tig-isang order na lang kami ni Chantal ng fried chicken meal. Then... ikaw na ang bahala sa drinks? We're fine with anything," turan niya sa binatang nakatayo sa gilid ng kanilang mesa. Tumango-tango ito bago magsalita.
"Ah, okay. 'Yon na ba lahat? Gusto n'yo ng sundae?"
"If that's okay with you... sige. But don't order too much, baka hindi natin maubos eh," mayuming wika ng dalaga na pasulyap-sulyap sa kaibigang hindi naman nagsasalita at naka-ekis pa ang mga braso.
"Alright. Pipila na ako sa counter, kaso mukhang maraming customer. Baka matagalan, ayos lang?"
"Sure." Pagkabigkas ni Carrie noon ay tumalikod na si Ethan at naglakas patungo sa pila. Naobserbahan niya ang numerong sixty-nine na nakaburda sa likuran ng itim nitong vest.
Ipinasok ng dalaga ang kamay sa katabing abg at kinuha ang sariling cellphone. Saktong alas-dos y media na ng hapon. Akmang pipindutin na niya sana ang mga notification na nasa itaas ng screen nang biglang magsalita si Chantal.
"What the heck is this, Carrie? Hindi mo naman sinabing may kikitain ka pala ngayon. And worse, mukhang manliligaw mo pang may pa-eksena pa kanina."
Napabuntonghininga si Carrie dahil inasahan na niya ang aburidong reaksyon ng dalaga.
"He's Ethan. Chatmate ko galing Unstranger-"
"Wait, so hindi mo siya kilala?"
"No, kilala ko—"
"Bakit hindi ko kilala? Kailan ba kayo nagkausap?"
"Can you calm down, Chan? I'll explain, makinig ka muna." Ihinarap ni Carrie ang mga palad sa katabi upang patigilin ito sa pamumutol sa salita niya. Itinikom naman nito ang labi at nakataas ang kilay na naghintay sa pagpapatuloy ng dalaga.
"Okay, so I met Ethan through Unstranger five months ago. Narinig mo naman ang sinabi niya kanina habang papunta tayo rito, 'di ba? Today exactly marks the fifth month since we first talked, at... hindi ko 'yon naalala, kaya nagulat din ako na kikitain niya pala ako."
"Why—"
"Oh, and we made a simple promise back then, that he will show his true self to me once our friendship reaches five months," dagdag pa ni Carrie na halos iisa lang ang tono ng boses.