XX.III - Angel

38 2 0
                                        

Third Person

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person

"Good day, Sir, may I know your order?"

"C-chicken Marsala with handmade pasta and... b-bread rolls."

"Wait... Ay, Sir! Kayo po pala 'yan. Is this an order for two? Nasaan po si Miss?"

"I-I'm sorry Sir, your order will be served soon. Pardon my unsolicited question."

Binabalot ng dilim ng pagluluksa si Zion noong araw na iyon. Ikalimang anibersaryo na dapat nila. Ikaanimnapung buwan na sana silang kumakain sa restaurant na iyon tuwing sasapit ang ika-20 sa kalendaryo. Ngunit sa pagkakataong iyon, wala siyang kasama. Wala na si Chloe.

Kalahating taon lang ang nakararaan, kagagaling lang nilang dalawa sa isang art exhibit at papauwi na. Regalo niya kay Chloe ang pagbisitang iyon dahil kapapasok lamang nito sa isang TV station bilang sportscaster na matagal nitong pinangarap.

Sa sobrang pagkawili nila sa mga obra sa loob ay madilim na paglabas nila. Hindi gaanong matao sa bandang iyon ng bayan kaya silang dalawa lang ang nasa labas nang oras na iyon. Tumawid sila sa kalsada habang nag-uusap tungkol sa painting na gustong balikan ni Chloe sa susunod na magpunta sila ulit doon.

Ang hindi nila alam, hindi na iyon mabibili ng dalaga dahil ang tila isang bulalakaw ang papunta sa kanila—ang ilaw ng rumaragasang kotseng paparating. Sinubukang umiwas ng dalawa ngunit huli na ang lahat.

Apat na buwan ding nagpagaling si Zion sa ospital pagkatapos noon. Nabalian siya ng buto at nagtamo ng mga galos, ngunit walang-wala ang sakit ng mga iyon nang pagmulat niya ay wala na siyang kasama.

Malubha ang naging kondisyon ni Chloe matapos silang isugod sa ospital. Nagdurugo ang utak nito at kahit na-comatose, lumaban ito ng dalawang linggo bago tuluyang bumitaw.

Walang ibang nasa puso ni Zion noon kundi hinagpis... at galit. Galit sa kung sinumang demonyong walang pag-aalinlangang bumangga sa kanila at sinira ang buhay nila ni Chloe.

"There was an angel..."

Nang makabawi ang isip sa pagkabigla sa lahat, pilit na inalala ni Zion ang mga detalye na posibleng makapagturo sa kanya kung sino ang sumagasa sa kanila ng kasintahan. Tumakas kasi ang salarin at nang patingnan niya sa CCTV ang nangyari, sira daw o kaya ay sobrang dilim naman ng kuha kaya wala rin siyang napala.

Kapag napapalalim ang pag-iisip, hinahaplos na lamang niya ang sugat sa kaliwang braso—sugat na dulot ng pagbangga ng sasakyan sa kaniya. Ang sugat na iyon ay dulot ng isang bagay na nakalagay sa nguso ng sasakyan—isang anghel na nakabuka ang pakpak, akmang lilipad na. Bagama't mabilis at nakagugulat ang nangyari, tila himalang natatandaan pa rin niya iyon... ang hugis ng nakabukang pakpak sa gitna ng maliwanag na ilaw.

Mali. Hindi iyon himala. Isa iyong biyaya, biyaya ng tadhana upang tulungan siyang hanapin ang demonyo.

Sa paghahanap niya sa demonyo sa tulong ng anghel, isa pang anghel ang pumasok sa buhay niya—si Carrie.

To All The Boys I've Killed BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon