"A beauty to die for."
Stunning, smart, soft-hearted. Having all these qualities, Carrie even gets called an angel who descended from heaven.
Everyone loves her. Everyone adores her.
Little does Carrie know, someone has taken a different level of d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Third Person
KATATAPOS lamang magtanghalian ng lahat sa bulwagan ng villa na tinatawag bilang Sunset Mansion. Ayon na rin sa masiglang pagkukuwento ni Yulio sa hapag-kainan kanina, ang ama niyang isang real estate agent ang nakabili nito mula sa mismong apo ng orihinal na nagpatayo ng mansyon na isang Italyanong milyonaryo.
Patong-patong na mga puting porselanang pinggan ang dala ni Carrie mula sa mahabang lamesa kung saan sila kumain patungo sa kusinang nasa susunod na silid lamang. Nang makita siya ni Alyanna ay agad siya nitong nilapitan.
"No need for you to stress yourself, Ate Carrie. Ako na ang bahala rito, mag-prepare na lang po kayo para sa scenes n'yo mamaya," saad ng dalagang nakasalamin may balingkinitang katawan. Ang suot nitong pulang square-neck blouse na nakasuksok sa fitted denim jeans ay lalo pang nagbigay-diin sa mahahaba nitong binti.
"Thank you."
Hinayaan na ni Carrie na kunin nito ang dala niyang hugasin at ito na ang nagdala nito papasok sa kusina. Pinanood niya ang pag-alon ng hanggang baywang nitong itim na buhok kasabay ng lagitik ng suot nitong dalawang pulgadang heels sa marmol na sahig.
Magalang magsalita si Alyanna na laging may "po" sa sinasabi, at tinatawag din siya nitong Ate pati na ang ibang crew. Napaisip tuloy siya kung ilang taon na ba ito upang maging editor ng pelikula.
"Carrie?" Umikot ang mga paa niya upang harapin ang nagsalita-si Yulio. Napalunok ang dalaga.
"Why? May kailangan ba sa akin si Zion?"
"Oo, pinapatawag ka niya sa lounge. Nandoon lahat ng actors, eh. May table reading yata," tugon ng matangkad na lalaki. Pansin ng dalagang wala ang taglay na sigla nito kanina sa boses nito ngayon. Tinanguan na lamang siya ni Carrie at bumulong ng pasasalamat bago naglakad patungo sa salas.
Inabutan niyang nakaupo sa sofa ang karamihan sa grupo: sina Zion, Avery, Dwight, Yehanna, Icarus, Denise, Jade, at Jasper. Pare-parehas silang may hawak na papel, at mukhang siya na lang ang hinihintay. Sinenyasan siya ni Jasper na lumapit at pagdaan niya sa may parihabang center table ay kinuha niya ang natitirang kopya ng script na naroroon bago maupo sa tabi ni Jasper.
"Okay, dahil nandito na ang lahat, let me explain what we're gonna do first," panimula ni Zion. "We're at the final table reading for the scenes we will cover today, which means you'll read the script and deliver your lines as if we're already shooting. In other terms, dry run or rehearsal," paliwanag nito.
"Kahit may kopya ng script, mas maganda kung kabisado n'yo na ang dialogue para mamaya. At hindi rin dahil reading ang tawag dito ay magbabasa lang talaga, kailangan sabihin n'yo ang lines kung paano n'yo ito sasabihin sa harap ng camera, okay? Puwede rin kayong gumalaw-galaw pero huwag na kayong tumayo. Aayusin naman mamaya ang positions kapag nasa set na." Matamang nakinig ang lahat sa mga panuto ni Zion.
"Bago pala 'yan, subukan nating pagtabihin ang mga magkakapalitan ng dialogue. Ang dapat na puwesto ninyo ay si... " Sinuri ni Zion ang hawak na papel at nilawayan pa ang labi bago magsalita.