AXIES
"Tawagin mo akong Tito Venus." Naglahad ng kamay saakin ang isang doktor na may maitim na eyebags. Umiling ako.
"Ayoko sa panda."
"Axies," pigil saakin ni Tita Mars, umikot mata ko at tinanggap 'yung kamay ni Venus.
"Geh."
12 years old lang ako nang makilala ko si Tito Venus, umalis naman no'n si Tita Mars para magtrabaho para sa gamot ko. Alam ko at tanggap kong may malala akong sakit. Simula noon si Tito Venus na nag-asikaso saakin sa apartment.
"Nga pala Venus," tawag ko habang tinuturukan niya ako ng kung anong gamot, pinigil ko ang ngiwi sa sakit.
"Ano?"
"May tatay ako?"
"H-Huh?"
"Kilala mo siya 'no?"
"Ah..."
"Magsasakal ako pag 'di mo sinabi."
Napilitan nga si Tito na sabihin saakin, kapatid niya ang tatay ko... at si Tita Mars at siya lamang ang may alam tungkol dito, inosente si Papa tungkol saakin dahil may pamilya na ito at 'di alam kung paano ipapaalam ni Tito.
Dahil ayoko namang maging pabigat na pabebe sabi ko 'di ko kailangan ng tatay wala naman akong perang makukuha... pero... nakakainggit parin.
14 years old ako no'n, may pumasok sa school na lalakeng may salamin at payat, halata mo palang sa kilos ng tatay at Nanay niya ingat na ingat sakan'ya. Nakakainggit at nainis ako dahil bakit siya may gano'ng magulang at ako ay wala?
Sinadya kong nakabangga s'ya nang mag CR 'to. "Mag-ingat ka ah?!" Bulyaw ko, nagtama ang mata namin... at 'di ko ba alam pero hanggang makaalis ito ay natulala ako.
"Sino 'yon?" Tanong ko kina Tim at tinuro 'yung nerd.
"Ah 'yung lampa? Jupiter yata?" Ngumisi siya at binato ang sigarilyo. "Bakit? Abangan natin?"
"Ayoko, at isa pang stick niyang sigarilyo palamon ko sa'yo 'yan."
"Naman boss!"
Simula nang magtransfer ito- si Jupiter, sa school namin lagi ko na siyang napapansin, tahimik siya at matalino, laging Top 1, pansin ko ding masungit ito, bakla kaya?
Madalas ko din siyang makasalubong sa corridor... o, sinasadya ko talaga. Pansin ko kasi na pag nakikita niya grupo namin kumukulubot ang noo nito. Problema niya kaya? At isa pa kung bakit ako nagkainteres sakan'ya ay... wala siyang kaibigan, madalang lang din siyang ngumiti at higit sa lahat, ang lalim lagi ng iniisip niya.
"San ka?" Sila Lana.
"Uwi ako, may pagkain si Venus!"
"Sige, sabihin mo I love you!" Sigaw ni A. Kilala nila si Venus bilang Tito ko at 'di bilang doktor ko.
"Ulol ka!" Pag-uwi ko dahil birthday niya ay 'di ko maiwasang magtanong matapos magblow ng kandila.
"Anong wish mo?"
"Ako?"
"Paano ka naging doktor nang 'di man lang makaintindi?"
Irita niya akong binato ng unan na kinatawa ko. "Anong tanong mo?"
"Anong hiniling mo?" Umiling siya pero kinulit ko pa siya sa paghampas. "Sige na tanda!"
"Aist! Oo na. Ang hiniling ko ay... maka-graduate ka." Kaunti akong napatigil.
"Asa ka."
'Di naalis sa isip ko ang hiling ni Tito, mamamatay na nga lang kasi ako, bakit 'di ko pa gawin diba? Kinabukasan, may late enrollee na pumasok at nagulat ako nang makitang si Jupiter 'yun.
BINABASA MO ANG
Season Series : Before March 4
Short Story"To live limitless..." What is the season of Your life? Summer is approaching, the season where the sun lingers in every smile, and it's a taste of heaven for Jupiter who never wanted anything but a peaceful life and finish his Junior high school. B...