Day 4,420
March 2"Boss!" Hiyaw nila Tim, kasama niya ang buong tropa at base palang sa mga ngiti ng kulangot alam ko ng may good news.
"Ano?" Pinakita nila ang cellphone nila kung saan nakalista ang mga nakapasok na professors sa HIDU, nanlaki ang mata ko at halos gustong manuntok ng buhay.
"Nakapasok kayo?!" Umiyak sila Lana ng sabay sabay.
"Nakapasok kami!"
"Oh... oh! Ibabalita ko kay Tito Venus!" Agad akong tumawag kay Tito dahil matagal n'ya din itong pinapagpe-Pray. "Nakapasok sila!" Panimula ko.
["Silang lahat?!"]
"Oo! Sila! Pakain ka!"
["Sige! Maaga akong nag-out huh! Sama mo lahat ng tropa!"]
"Deal!" Natapos ang tawag, hinarap ko silang lahat inakbayan. "Papakain daw si yorme!"
"Pwede bang siya nalang?" Tanong ni A, naging business woman na siya, sinuntok ko siya sa pagkairita.
"Asa ka."
"Magpapakasal na sila ni Tita Mars."
"Ang sad..."
"Anong sad huh?" Iritang Tugon ni Fin.
"Nasaan daw lahat ng tropa? Yayain niyo na!"
"Sige tatawagan ko na sila," sunod ni Lana habang yakap ni Tim na maiyak-iyak pa.
Pinanood ko naman silang magshare ng mga memories kung gaano kahirap ang pinagdaanan nilang trahedya para lang makapasok, 'di biro ang qualification sa HIDU, pero sa tulong ng fasting, praying at hardwork, ayan! Proffesor na ngang tunay ang mga kulugo!
Anim silang naging professor, dalawa ang naging business minded, dalawa ang naging engineer, at isang architect, 12 years ang nakalipas, pero tignan mo sila, konti nalang talaga at abot na abot na nila ang kanilang mga pangarap.
Gamit ang mga natutunan nilang aral sa pagiging high school namin, nakayanan nilang nangarap ng matayog, ang mga taong dating minamaliit kaming mga tambay sa labas ng canteen ay napapatingala ng may mangha sa mata.
"Papasok na ako sa klase ko!" Sigaw ko, kinuyog muna nila ako bago pakawalan.
Tapos na silang mag-aral at talagang napag-iwanan ako dahil sa pag papagaling ng mahigit sampong taon. Pero 'di ako nawalan ng pag-asa at nagpatuloy sa pagtahak ng aking pangarap.
Ngayon, isa na akong first year college sa HIDU, I took up Bachelor in Fine arts, and I was the happiest person when I pass it.
Pagpasok ko sa isang panibagong klase umupo ako sa unahan dahil gusto ko buong konsentras'yon ko ay nasa klase, bleacher style ang classroom at 'di ko inasahang may uupo dalawang silya ang layo saakin na isang lalake.
Napansin ko sjya nang nahulog nito ang kan'yang ballpen at gumulong papunta saakin, 'di ako nag-alangan na ibalik ito sakan'ya.
"Here."
"Thank you," sagot niya pabalik.
"Ah, what's your name? I'm Axies, Alexies Ty."
"Rain, Rainnold Sacramento, nice meeting you." He was nice a person. Tingin ko. Lalo pa at ang chill nitang kasama, parang... ulan.
--
["Saan kana?"] Tanong saakin ni Emma matapos ang klase dahil mag so-soul winning pa kami sa isang campus.
"Papunta na ako, nandiyan na iba? Tatawagan ko na sila Lana."
["Di pa naman, take your time lang."]
BINABASA MO ANG
Season Series : Before March 4
Short Story"To live limitless..." What is the season of Your life? Summer is approaching, the season where the sun lingers in every smile, and it's a taste of heaven for Jupiter who never wanted anything but a peaceful life and finish his Junior high school. B...