Day 4
February 7"A-Ang laki ng problema mo!" Sigaw ko sakan'ya, habol habol ko ang hangin at nakatungkod sa tuhod habang nakatayo. I can't breathe. Pag talaga ako! Hays...
Paano ba naman ang baliw na babaeng 'to, sabi sa'kin sa Garden pumunta, 'yun lang ayaw niya daw do'n kaya dito kami sa rooftop, pag 'di daw ako dumating in 5 minutes yari daw ako.
Kainis, bakit ko ba siya sinusundan ng sinusundan? Pwede namang hindi! Magsumbong nalang kaya ako? Wait, that's a freak.
Nakaupo siya sa taas ng table ng pa-indian seat at may nginangatngat na lollipop. As always.
Tumayo ako ng maayos. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang garden sa rooftop na 'to? Halos dalawang kilometro!"
"Arte mo."
"Ano?!" Bulyaw ko, sinuklay ko ang buhok ko sa sobrang inis, sinulyapan ko siya nang malalim siya sa'king nakatingin, titig?! "Bakit nanaman?"
"Ulitin mo nga 'yung ginawa mo." Seryoso parin siya saaking nakatingin.
"H-Huh?"
"Suklayin mo buhok mo." Nanlaki ang mata ko at naramdamang nag-init ang pisngi. Ngumisi siya sa naging reaksyon ko.
"B-Bakit ko 'yun gagawin?! Ayoko nga!" Umalis siya sa pagkakaupo doon ng may maangas na paraan at lumapit sa'kin, umatras ako at dama ko nanaman ang kaba.
Nalulukaret nanaman siya!
"Ano ba, A-Axies?" Nilabanan ko ang kaba at tumayo ng matapang, sinalubong ko ang mata niyang nanliliit kakatingin sa'kin, pero 'di siya tumigil papalapit sa'kin, tumigil ito isang metro sa'kin at ang mukha nito ang inilapit sa'kin.
Bakit ba ganu'n ang mata niya? 'Di ko makayanang umiwas, parang, parang may kung anong magnetic pole para akitin ako.
Nanlaki ang mata ko nang mamalayan kong halos inches nalang ang layo niya sa'kin kaya agad kong tinakpan bibig ko.
"A-Axies..."
'Di siya tumigil sa paglapit, na halos hangin nalang ang layo ng labi niya sa kamay ko, titig na titig siya sa'king mata na parang may binabasa doon.
May kung anong sumuntok sa puso ko nang maramdaman kong haplusin niya ang buhok ko, tatlong beses niya 'yon ginawa bago lumayo. She... she is loosing her sanity!
Nakahinga ako nang maluwag at tinanggal na ang takip sa bibig ko nang tuluyan na niya akong nilubayan. Nakatagilid lang siya sa'kin at hinihimas ang kamay niyang ginamit para hawakan ang buhok ko.
Ano bang meron doon? Nakakakilabot siya ah.
"Ang lambot nga ng buhok mo," puri niya.
"T-Talaga?" Bakit nanaman ako nauutal? Malambot talaga buhok ko!
"Hmm." Nakangisi siya sa'king sumulyap at naglakad pabalik sa lamesa. Tumigil ang ikot ng mundo ko. "Gwapo ka din pala, Jupiter."
--
"Woah, sandwich ba 'yan, Axies? Penge lodi!"
"Oo nga, wala pa akong almusal."
"Lalayuan niyo ako o tatadyakan ko bayag ninyo?! Pili mga hampaslupa!"
Bangayan nanaman nila sa likod ang rinig ko, pero wala akong pakielam at wala akong balak na lingunin sila.
Nakasalong baba ako at titig na titig sa punong nasa labas ng bintana ng room namin.
'Gwapo ka din pala, Jupiter.'
'Gwapo ka din pala, Jupiter.'
'Gwapo ka din pala, Jupiter.'
BINABASA MO ANG
Season Series : Before March 4
Short Story"To live limitless..." What is the season of Your life? Summer is approaching, the season where the sun lingers in every smile, and it's a taste of heaven for Jupiter who never wanted anything but a peaceful life and finish his Junior high school. B...